Habang tumatagal ang mga araw na nagkakasama sila ni Jake, lalong nadaragdagan ang pagmamahal ni Diana sa asawa. Kung dati'y hindi niya binibigyang-importansiya ang mga pag-aanyaya nito o pagdadala sa kanya ng pagkain, ngayo'y natiyak niyang isa iyon sa mga dahilan kung bakit lumambot ang puso niya para kay Jake.
Masyadong thoughtful and caring in a sweet possessive way. Kahit pa nga marunong na siyang mag-drive ngayon at nakakalabas na rin siyang mag-isa na dala ang kotse nito, inihahatid-sundo pa rin siya nito kapag nagpupunta siya sa review center. Tuloy, kinatatakutan niya ngayon ang sandaling hindi maiiwasan: ang pagtatapos ng kanyang board review. Siguradong mami-miss niya ang lalaki at ang mga ginagawa nito para sa kanya.
Katulad ng lagi, dinatnan na niya nag-aabang ang kotse ni Jake sa parking space ng review center. Maluwang ang ngiting humakbang siya patungo sa direksiyon ng BMW na siyang dala nito ngayon. Walang anu-ano'y bumaba ito at iniabot sa kanya ang susi ng kotse.
"Want to drive me home?" nakangiting tanong nito.
For the first time, nagawa niyang tapikin ang balikat ng asawa in a light-hearted way. Ewan ba niya, pero sa simpleng gesture na iyon, naramdaman niyang pumintig nang malakas ang puso niya. Tinakpan niya ng ngiti ang kaba sa dibdib.
"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong niya ngunit nagpasiya na siyang pumuwesto sa driver's seat sa takot na baka nga magbago ang isip ng asawa.
"Very sure," wika nito at pumasok na rin sa sasakyan.
"Ang akala ko ba, paminsan-minsa'y hindi mo ako maihahatid? Parang wala yata akong natatandaang pumalya ka sa paghahatid-sundo sa akin," alanganing biro niya rito.
Sumilay lang sa mga labi nito ang isang makahulugang ngiti.
Magmula nang mag-declare sila ng silent truce, naging maganda na ang pagtitinginan nila ng lalaki. Hindi na rin siya bumabanggit ng anumang may kinalaman sa annulment. Nagkaroon sila ng respeto sa isa't isa. Piping unawaan, walang commitment pero nagkakaintindihan. Nabibiro na nga rin niya ito. At ang pinakamaganda sa lahat, maganda ang naging epekto nito sa pagkatao niya. Hindi na siya iyong dating Diana na takot sa mundo, galit sa tao at lalo na sa Diyos. Tinuruan siya ni Jake kung papaanong makisalamuha sa kapwa. Paminsan-minsan, dinadala siya nito sa mga gatherings at ipinakikilalang misis nito, kahit pa man batid nilang pareho na sa papel lamang sila mag-asawa. Sa piling nina Jake at Yaya Maring, pakiwari niya ay nakatagpo siya ng bagong pamilya.
Safe and sound silang nakarating sa mansion kaya proud na proud si Jake sa kanya. Hindi naman matapus-tapos ang pasasalamat ni Diana sa asawa. Proud na proud din siya sa sarili.
"Thank you, Jake... sa lahat ng itinuro mo."
"Thank you lang?"
"May gusto kang kapalit? I can cook your favorite..."
"How about a kiss?" putol nito na ikinabigla niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at tumitig dito. Winawari kung seryoso ito sa sinabi. Nang makitang seryoso nga ito, nagkibit-balikat siya.
"All right. Just a smack, ha?" Inilapit niya ang mga labi sa mga labi ng lalaki at naghintay.
She was really expecting a smack kaya nabigla pa siya nang maramdamang ikinawit nito ang isang kamay sa batok niya. He conquered her lips, touched the edges of her teeth with his tongue. And the kiss grew deeper, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbabaga ng pakiramdam.
It was the most glorious moment of her life. Parang lahat na yata ng bituin ay nakapalibot sa kanila. It was such a romantic, thrill-of-a-lifetime kiss for her, lalo na't iginawad ng lalaking kauna-unahan niyang inibig.
Pareho silang napaigtad nang hindi namamalayang natuunan niya ang busina sa manibela ng BMW. Tila nakuryenteng nabitiwan nila ang isa't isa. Nang magtama ang kanilang mga mata'y pareho silang napangiti at nagkatawanan.
BINABASA MO ANG
Bitter Heart Loves Guilty Heart - Jesusa Lopez
RomanceFrom the very beginning, you've been my obligation. You know why? Because you are mine.