Chapter 7

531 13 2
                                    

"Diana, meet my best buddy, Mark dela Cuesta." Inakbayan pa siya ni Jake nang ipakilala sa kaibigan nito.

Nag-abot siya ng kamay sa bisita, na tinanggap naman nito. More charming and conservative type si Mark sa tingin ni Diana, taliwas sa katangian ni Jake na ruggedly handsome and yet... dangerous.

Parang mas magiging at ease siya sa personalidad ni Mark kaysa kay Jake.

"Have we met before?" tanong niya rito.

Kumunot ang noo ni Mark na parang kinikilala siya. "I don't think so."

"Yeah, me too. Kung noon pa'y natagpuan na kita, malamang na sa iyo ako nagpakasal at hindi kay Jake!" Binuntutan niya iyon ng isang matining na tawa.

Nahawa rin si Mark. Tinapik nito sa balikat ang kaibigang pilit na pilit ang ngiti sa mga labi. "I like your wife, pare. Marunong magsabi ng totoo."

Lumalalim ang gabi, ngunit lumalala naman ang pananahimik ni Jake habang kaukausap niya si Mark. Parang nakikiramdam, ngunit kung pandalas naman ang matatalim na sulyap nito kapag napapalakas ang tawa niya sa mga punchlines ng bisita.

Nang matapos silang kumain, lumipat silang tatlo sa hardin upang magpahangin. Tamang-tama dahil napakapresko doon at tahimik ang paligid.

Nagpalabas si Jake ng alak sa katulong. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng inuming de-alkohol, ngunit hindi siya tumanggi nang alukin siya nito.

Kung kanina ay tumatawa siya sa mga kalokohan ni Mark, ngayon ay tumatawa na siya dahil sa magaang na pakiramdam ng katawan. Nagagawa na rin niyang tampalin ang hita ng lalaking katabi—rather, tinabihan—niya sa upuan.

"Can you please give me more wine..." namumungay ang mga matang pakiusap niya kay Jake. Nasa harap kasi nito ang bote ng alak. Kanina'y awtomatikong sinasalinan ng asawa ang kopita niya kapag nauubos na ang laman niyon, ngunit napansin niyang ngayo'y ini-ignore na lamang nito iyon.

"You've had enough, Diana," nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Jake, tinitimpi ang galit. Hindi na niya nagugustuhan ang ginagawa ng asawa. Lantaran na ang pagpi-flirt nito kay Mark. Hell! Of all people, bakit kaibigan pa niya ang pinagpakitaan nito ng gayong ugali? God knows, gustung-gusto na niyang sunggaban ang braso nito at kaladkarin itong papunta sa silid.

"Please..." malambing na pakiusap nito na ngayon ay pinaglandas na ang daliri sa dibdib niya. Doon na talagang bumuhos ang tinitimping galit niya rito.

"Mark, I guess you better go. Ihahatid ko na si Diana sa silid namin. I think she's already drunk, kaya bukas na lang tayo mag-usap," sabi niya sa kaibigan na kinokontrol ang sarili.

"Okay. Thanks for the dinner, pare." Nakangiti pa nitong tinapik ang balikat niya at malalaki ang mga hakbang na tinalunton na ang daang palabas ng mansion.

Binalingan ni Jake si Diana nang mawala na sa paningin niya ang kaibigan.

"Ano'ng ginagawa mo?" may diin ang tanong niya sa asawang nakaupo pa rin sa pabilog na mesang nakapuwesto sa hardin.

"Ano'ng ginagawa ko?" inosenteng tanong din nito sa kanya.

"Stop acting like a parrot, Diana. Alam mo kung ano ang ginagawa mo. You were flirting with Mark!" bintang niya rito.

"No, I was just trying to befriend him." Iling-iling si Diana habang nagsasalita. Ipinilig-pilig nito ang ulo, kaipalay para matanggal ang kirot na unti-unting gumagapang sa sentido nito.

"Damn! I'm not a fool, Diana. Don't give me that crap!" angil ni Jake.

Napatitig ito sa kanya. Matalim ang tinging ipinupukol nito sa kanya.

Bitter Heart Loves Guilty Heart - Jesusa LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon