Totoo ba talaga yung sinasabi nilang "Dadating yung tamang tao para sayo, sa panahong hindi mo inaasahan."? To be honest, never ko naman talagang ginustong magkagusto kay Bryan, parang all of the sudden, out of nowhere, I just wanted to spend my life with him. Ang cringe pero legit yun. Since the day he told me "I like you" I felt like the love he was offering is pure and genuine, compared with other's confessions.
Nung nalasing si Bry non sa chat, I was in my sculpture class doing art. Pwede naman akong gumamit ng phone non, basta ginagawa ko yung project ko. Since he was sending vms only, I put my earphones on and was just listening to his messages.
"You know Elle? You know that I love her." He said in one of his vm's.
"Yes po, I know Elle, I think she loves you too." I answered, pretending na ibang tao ako.
"She loves me?" *He giggled* "Let her know that I love her so much" He replied. Hindi ko talaga alam kung totoo ba yung mga pinagsasabi niya, pero sabi nga nila, minsan ang lasing, hindi nagsisinungaling.
Cinonfirm ko talaga if real ba yung nararamdaman niya para sakin. Alam kong alam niya yung mga ginagawa niya that night, and I wanted to let him know that I feel the same, and I love him before he liked me.
Kinabukasan, kahit na alam kong alam niya yung pinag gagagawa niya, nag ask pa rin ako if may naaalala siya sa mga nangyari, pero as usual, dineny niya. Yung time na narealize niya na nagconfess na din ako ng feelings ko, dun na nagbago lahat. Tinuloy namin yung pag liligawan.
April 2022 I was talking to ate Norika, and my other ates on kumu live.
"Mga ate ko, hindi ko alam gagawin ko, ayokong madaliin lahat kasi ayokong masaktan, but I know that Bry is the genuinest person I've ever met. Masama bang sagutin ko siya agad?" I asked. Alam ko naman yung sagot eh. Alam kong sobrang aga pa para sagutin ko siya. Pero para san pa ang pang liligaw kung alam niyo naman talagang mahal niyo ang isa't isa?
"Hoy Elle, kakakilala mo lang sakanya, bigyan mo naman siya ng time para maghirap." Sabi ni ate Norika.
"True, maging dalagang pilipina ka naman Elle. Magpa-hard to get ka din naman." Ate Luan replied.
I was overthinking everything that day. I've come up with the day when am I going to say yes na, So I just waited until that day comes. Hindi ko naman mamadaliin ang pang liligaw niya, pero sa situation ko kasi nun dati, may mga kaibigan siyang mga babae non na hindi ko alam. And ofcourse, uso dati yung mga gbf na "What if makuha sayo ng gbf niya" ganun ganyan, eh wala din naman akong karapatan para magselos, kasi first of all, kakakilala lang namin ni Bry, second wala kaming label, and last...Anong laban ko? Eh mas malapit sila sakanya, at mas close si Bry sakanila kesa sakin, diba? So I tried to accept Bry na non, ang pinaka purpose ko is to have rights to get jealous (sobrang immature noh?) Pero hindi ko din kasi talaga kaya yung situation na ganun. I love him with all my heart, and it got deeper when we're finally together as boyfriend and girlfriend.
While we're in a relationship, after weeks of being together, everything changed. I was not okay mentally, because of overthinking, and he lacks with time management. Everytime he needed to rest from school, minsan di na siya nagmemessage sakin, malalaman ko nalang na may pinuntahan siya without telling me, and yung masakit dun is babae pa yung kasama niya. Kahit anong reason niya sakin na kaibigan niya lang yun, at may boyfriend siya, syempre as a girlfriend, or as a girl, masakit din naman kasi makitang ganun yung pinag gagagawa niya. Totoo man o hindi ang sinasabi niya, syempre mahirap paniwalaan, kasi kayang kaya naman talaga magsinungaling ng tao lalo na kung hindi mo nakikita in person kung anong nangyayari. Sobra sobra ang tiwala ko sakanya, aaminin kong overthinker akong tao, pero kasi madami na ding taong nagtago, at nagsinungaling sa harap ko. Kung yung tatay ko ngang kasal sa mama ko, kayang magloko, siya pa kayang "Online Boyfriend" ko lang?
Nagtagal kami ng 1 month. Kinaya ko ng 1 month. First week of June, dun na ako nagsimulang maging totoo sakanya, hanggang sa umabot kami sa tinatawag na "cool off". Hindi ko din alam bat pumayag ako sa ganung sitwasyon. Sobrang hirap din na makitang ako nalang din yung umaasang maayos pa yung relasyon na meron samin. Isang week na wala siyang paramdam, ano? Ako pa yung unang gagawa ng paraan para mag ayos kami? Sino ba lalaki dito? Ako? Bakit laging gantong relasyon ang napupunta sakin? Bakit laging ako dapat ang magbeg ng time ng isang tao? Ganto ba talaga ang love? Dapat bang ako ang manlilimos ng oras palagi? Ang hirap mapunta sa taong, sa simula lang magaling. Sobrang hirap ipaglaban yung pagmamahal na meron ka sa taong wala din namang interest sayo.
YOU ARE READING
Because of Kumu (Part 2)
Non-FictionIt was a NON-FICTION tag-lish story, It was kind of romantic drama thing, it was all about my Kumu Journey (Kumu is a friendly filipino app), about who once I loved before, about my friends, and how I almost dropped my classes because of using it. ...