108

26 1 0
                                    

Ana POV

"Bakit nandito pa Ang babaeng ito? Lapit na ni Trixcia sa kaniya ngayon.

"Bakit Hindi pa ito nakakulong? Dagdag pa naikinaumid naman niya sa Isang tabi ngayon.

"Alam mo ba ang ginawa ng babaeng ito sa akin, noong araw na sana Makita na kita? Pagpapatuloy pa nito, dahilan para ikatingin naman niya Kay Mathew ngayon. At napakagat rin ng sariling labi ng maalala niya Ang tinutukoy nito ngayon.

//"Bakit mo ba ako pinuntahan dito?

Bakit hindi? Eh, may pinagusapan tayong dalawa.

 "Diba sabi ko pupuntahan na lang kita pag hindi na ako busy sa school ko. Sabi niya ma lang dito at may kaba sa dibdib ng nilinga linga ang paligid.

"Wow naman. Inienjoy mo na ngayon ang pagkaestudyante mo ah?

"Ikaw rin naman ang nagsabi na enjoyin ko ang pagpapanggap at estudyante ko. O ayan ginagawa ko na nga. Ano pang gusto mo? May pangyayamot ng sabi niya rito ngayon. Tinawagan kasi siya nito kanina habang nasa library siya at nagaayos ng mga libro. Hindi niya talaga alam kung ano bang balak nito. Ang alam niya lang na sabi nito ay May sasabihin daw itong ikakatuwa niya.

"Aalis na ako, at baka hinahanap na ako doon sa library. Paalam niya rito, dahil iniwanan niya lang muna sandali sa kasamahan niyang si lily ang mga librong aayusin niya. Akmang tatalikuran niya ito ng may sinabi itong magpapainog ng mundo niya.

"A-Ana? Hirap na sa Bose's na tawag na nito sa pangalan niya ngayon. 

"Ano-- M-Maam Trixcia? Lutang ang isip na sabi niya ng makita at makilala ang dating amo. Parang gusto niyang masuka dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman niya ng makita itong muli ngayon.

Payat na payat ito, halatang hindi na kumakain. Bukod pa roon, hindi rin dito maitatago ang mga pasa nito sa mukha. Habang nakaupo lang sa wheelchair nito. 

"A-Anong ginawa mo sa kaniya? Kuyom ang kamaong tanong niya sa lalaking dahilan ng lahat ng ito ngayon.

"Tss. Huwag mo akong kuwestsyonin kung paano ko itatrato ang babaeng iyan! Ang gawin mo lang ay sundin ang iniutos ko sa iyo. Madiin naman sagot ni Frederick sa kaniya ngayon.

"Ang sabi mo saakin noong una, mahal mo siya. H-Hindi mo kayang makikitang nahihirapan siya. Handa kang alagaan siya at ilayo sa mga taong nanakit sa kaniya. Pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi mo naman siya minahal talaga. Siya ng Makita Ang mga pasa sa kamay at leeg nito ngayon.

"Kasalanan mo iyan! Paninisi na ni Frederick sa kaniya.

"A-Anong ibig mong sabihin? Paano naman naging kasalan ko sa ginawa mo sa kaniya?

"Oh, my poor Ana.Hindi mo pala alam Ang pamamalakad ko. Ngayon Sasabihin ko saiyo. Nangyare iyan sa kaniya. Dahil kasi sa katigasan ng ulo mo. One mistake sa ipapagawa mo double ang balik roon kay trixcia. Parang baliw ng Sabi nito sa kaniya. Na ikinakuyom namna ng mga kamao niya.

The Beast Stealing- 1 || Unedited ||CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon