"Damdamin"
Damdamin ko'y 'di maintindihan
Maaaring may kasiyahan,
Kalungkutan at kasakitan
Ito ba ay makatwiran?'Pagkat tawa mo'y nagpaligaya sa'king damdamin
Ngunit puso ay 'wag pairalin
Nakakatakot baka ako'y dismayahin
Sa bandang huli puso'y palalayain'Pagkat ang mga bagay ay alanganin
Kailangan itong alahanin
Marahil unahin munang intindihin
Na ang puso't kaisipan kailangan palawakinMasyado lang akong nahumaling
Sa iyong kabaitan, maginoo, reponsable at may hangarin
Ako ba'y iyong tatanggapin?
Na ika'y gustong angkininNgunit tila hangin ang damdamin
Baka ako'y balewalain
'Di mo napapansin
'Di naman ako umaaminAko'y dumadalangin
Na sana ako'y pagpalain
Dahil ikaw ang hangarin
Na sana'y maging akin
BINABASA MO ANG
Mga isinulat kong tula
Poetrymalayang naipapahayag ang damdamin at saloobin sa pamamagitan nang paggawa ng mga tula.