2nd Part of "Ulan"
Habang pumapatak ang ulan
Kasabay nang tunog at ingay ng mga sasakyan
Patuloy pa rin ang pagku-kuwentohan
Hinihiling ko na sana'y walang katapusanNaalala mo ang masasakit na nakaraan
Hindi makakalimutan ng iyong isipan
Gayon din sa iyong nararamdaman
At naging sanhi ng kapighatianAng iyong mukha'y hindi masaya
Kitang-kita ko ang 'yong pagkadismaya
Isang paaran na ikaw ay dumistansya
Sa mga taong hindi nakapag bibigay ligayaIlang oras ang nakalipas sa wakas tumila na rin ang ulan
Kasabay nang pagka wala ng iyong kalungkutan
Salamat sa ulan kami ay naka pag-usap ng mataimtiman
At itong sandaling oras ang hindi ko makakalimutan
BINABASA MO ANG
Mga isinulat kong tula
Poetrymalayang naipapahayag ang damdamin at saloobin sa pamamagitan nang paggawa ng mga tula.