"Ulan"
Sa oras na ito makulimlim ang kalangitan
Kakaiba ang aking nararamdaman
Tila nararamdaman ko ang kasiyahan
Dahil pakiramdam ko'y may magandang kaganapanHabang ako'y naghihintay hindi na natiis ng kalangitan
Bumuhos bigla ang malakas na ulan
Kasabay nito ang ihip ng kahanginan
At ang ulan ang tanging asahanSa malaking pagkakataon sya'y aking nasilayan
Ako'y ngumiti at pabalik nya akong nginitian
Nangingibabaw saamin ang katahimikan
Hindi ko alam kung paano simulanSa bawat pag patak ng ulan
Sa wakas kami rin ay nagkuwentohan
Naging masaya ang kaganapan
Sya'y nag kuwento na ang mga tao'y 'di maasahanAng kan'yang mukha'y 'di ko mailarawan
Sapagkat malaki ang kaniyang kadahilanan
Na nakikita ko sakan'yang mga mata ang kalungkutan
Gano'n talaga hindi lahat maasahanSa mga sandaling kaganapan
Biglang tumila ang ulan
Kasabay ng pagputol ng aming kwentohan
At Itong araw ang hindi ko makakalimutan
BINABASA MO ANG
Mga isinulat kong tula
Poetrymalayang naipapahayag ang damdamin at saloobin sa pamamagitan nang paggawa ng mga tula.