5- Ugaling Pilipino

12 0 0
                                    

"Ugaling Pilipino"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ugaling Pilipino"

Ikaw, ako, tayong lahat ay may magandang kaugalian
Tayong mga Pilipino ay laging maasahan at malalapitan
Walang sinuman ang makatumbas sa ating kaugalian
Sapagkat tayong mga Pilipino ay may mataas na pamantayan

Ang ugaling Pilipino ay isang karangalan
Pagkaroon ng kabutihang-asal ang kailangan
Tayo ay mamuhay na puno ng katapatan
At bawat Pilipino ay kilala bilang makatao, makabansa at makalikasan

Isa-isa saatin ay may kanya-kanyang kalayaan
Kungtayo ay may kalayaan mayroon rin tayong karunungan
Ang mag disisyon na baguhin ang ating kaugalian
Ang kaugalian na magkaroon ng respeto at mapagmahal sa kapwa ay palaging nandiyan

Ang kabutihan ng puso ay palaging nananalo 'pagkat ito ay makatuwiran
Pagyamanin ang mabuting asal dahil kapag tayo ay may kailangan tayo ay may malalapitan
Pagtulong sa kapwa ay may malaking kahalagahan
Mga taong ating tinulungan tayo pa ay pasalamatan

Kapag tayo ay may kabutihang puso ano ba ang ating mararamdaman?
Tayo ba ay malulungkot o masisiyahan?
Alam na alam ko na ang kasagutan
Malamang sa malamang tayo ay masisiyahan

Ang tunay na taong may kabutihang asal ay wala itong hangganan
Kapag totoo at tunay ang ating kabutihan wala itong katapusan
Sapagkat may malaki tayong kadahilanan
Kadahilanan na ito na ang ating kinalakihan

Ugaling Pilipino ay nagtataglay ng kahusayan
Nararapat na makamtam ang dangal at karangyaan
Mga pilipino na mayroong matatabang puso ay kailangan ingatan
Ingatan,pangalagaan at pahalagahan

Dahil ang pagiging mabait ay may kasuklian
Mga taong ating pinahalagahan
Tayo ay kanilang iingatan
Sapagkat tayo ay kanilang maaasahan

Mga isinulat kong tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon