6- Maling Tao

12 0 0
                                    

"Maling tao"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maling tao"

Nang ika'y aking masilayan
'Di maiwasan na ika'y aking tingnan
Sarili ko'y gusto kang iwasan
Ngunit pintig ng puso'y sobrang lakas

Para kang nakalutang sa alapaap
Mga mata mo'y kumikislap-kislap
Kinakabahan na ika'y aking makaharap
Ikaw pa naman ang aking pangarap

Maihantulad ka sa bituwin
Ika'y gustong angkinin
Ngunit ang hirap mong abutin
Panahon na siguro upang baguhin

Nararamdaman ay di kayang suklian
Hayaan ang puso na ito'y lumisan
Dahil wala namang dahilan,
Na ako'y iyong magustohan

Pumiti man ang uwak
Tila pangarap ko'y 'di ko na maitulak
Salamat sa iyong kabutihan
Naging parte ka ng puso ko na 'di ko makalimutan

Mga isinulat kong tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon