7- Salaysay

11 0 0
                                    

I-include ko lang po yung nagawa kong salaysay base lang sa aking panaginip hehe.

Naranasan nyo na bang managinip? Yung tipong gusto mong manatili sa panaginip na iyon kasi mas ramdam mo yung totoong kasiyahan kaysa sa realidad na ating hinaharap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naranasan nyo na bang managinip? Yung tipong gusto mong manatili sa panaginip na iyon kasi mas ramdam mo yung totoong kasiyahan kaysa sa realidad na ating hinaharap.

Isang araw nanaginip ako, may pinuntahan akong isang lugar na maraming tao ang pumapasyal, buss ang sinakyan ko noon akala ko maliligaw ako kasi wala akong kakilala pero nong nakababa na ako may isang tao na nakita ko doon at kakilala ko sa realidad siya ay babae Althea ang kaniyang pangalan.

Kaya sa isip ko hindi na ako maliligaw nito. Hindi ko mailarawan ng maayos yung lugar basta sa pagka alala ko ay maraming mga puno, maraming mga taong namamasyal at makikita mo sa mga taong iyon na masaya at may mga bata na nagkakatuwaan habang may dala-dalang mga balloon.

Marami kang makikitang nagkakasiyahang pamilya, mga kaibigan at mga mag jowa na nag da-date. Tiningnan ko ang aking sarili, nag iisa at ayos pa naman ang aking kalagayan nilibot ko yung buong lugar sabi ko pa sa isip ko hindi ko akalain na makakapunta ako sa lugar na ito, nakaramdam kasi ako ng kapayapaan at katahimikan habang nilalanghap ang simoy ng hangin yung tipong huhupa kaagad ang mga problema mo at yung mga pinagdadaanan mo ngayon kaya napagtanto ko nalang hindi sa lahat ng oras saan ka man mag punta ay may kasama ka.

Aminin man natin dumadating tayo sa punto na gusto natin ang may kasama, tanggap ka buong-buo na siya lang talaga ang makaka intindi sa kung ano man na ugali ang mayro'n ka, sa tuwing may pinagdadaanan ka nandiyan siya sa iyong tabi handang makinig, sa tuwing makikita ka niyang umiiyak ay pinapagaan niya ang iyong loob at pasasayahin ka kaya sa buong buhay ko hangad ko ang ganitong tao na sana matagpuan ko.

May mga tao namang malapit sa iyong buhay pero iba talaga kapag may isang taong nakakaintindi sayo at habang iginagala ko ang aking sarili ay natutunan ko rin sino man yung taong kasama mo ngayon ito ay pangmadalian lang, pangmadaliang saya mapa pamilya man o kaibigan.

Gugustohin mo man na makatagpo ng isang tao na hindi pang temporaryo kundi pang matagalan ay imposible, natutunan ko na bakit pa tayo mag hahanap ng ganitong uri ng isang tao kung nandiyan naman ang Panginoon? Dito ko lang din napagtanto na gusto ko noon manatili sa panaginip dahil ramdam mo ang totoong kasiyahan kaso napagtanto ko nalang na yung totoong kasiyahan pala ay mararamdaman mo sa Panginoon.

Lahat ng ito ay natutunan ko sa aking sarili na kulang lang pala ako sa dasal na kung bakit nararamdaman ko ang kalungkutan ay hindi ko pala naisabi sa Panginoon ang mga problema ko. Kailangan nating lumapit Sakanya upang tulungan tayo at tatandaan natin gusto man natin  mapag isa ngunit nandiyan ang Panginoon sa ating tabi para gabayan tayo.

Lesson Learned:
People come and go but God is with you forever.
2 John 1:3

Mga isinulat kong tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon