2- Malaya

16 0 0
                                    

"Malaya"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Malaya"

Sa mga sandaling kaligayahan
Ako'y nadala sa iyong kabaitan
Puno ng kagalakan at kasanayan
Ang iyong presensya ay may kahalagahan

Ngunit sa isang iglap iba na ang nararamdaman
Naniniwala na ako na mayroong hangganan
At naging distansya ang kaparaanan,
Sa pag limot ng mga nakaraan

Bawat damdamin ay pinapahiwatig ko sa aking talaan
Hindi mo man malalaman
Kung ano ang tunay kong nararamdaman
Dahil mismong nararamdaman ko ang aking kalaban

Ako'y nagpapasalamat sa mga sandaling kaligayahan
Nagbibigay halaga kahit ito pa ay pangmadalian
Damdamin ay hindi kayang pangatawanan
Oras na siguro para ikaw ay kalimutan

Mga isinulat kong tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon