"Panaginip"
Bulaklak ay kay gandang tignan
Huni ng ibon kay sarap pakinggan
Ihip ng hangin ay sumasayaw sa tuwa
Ang saya ng hangin ay nakakahawaUmaagos ang tubig sa karagatan
Naalala ko ang aming nakaraan
Saksi ang karagatan sa aming kasiyahan
Kaming dalawa mismo ay nagkakatuwaanSa bawat hakbang na aming natahak
Ang mga kamay namin ay magkahawak
Nakatanaw kami sa magandang kapaligiran
Napangiti ako at kilig ko'y 'di napigilanNaramdaman ko bigla ang sinag ng araw
Luha'y unti-unting bumagsak
Naging sanhi ng pagkawasak
Natauhan ako panaginip lang pala 'yon
BINABASA MO ANG
Mga isinulat kong tula
Poetrymalayang naipapahayag ang damdamin at saloobin sa pamamagitan nang paggawa ng mga tula.