Kabanata 2.10

0 0 0
                                    


"Asan ba tayo habang umikot ako ng 90° degress na para bang camera sa kabuohan na lugar, bakit ang daming kabayo" taka ko pa

Sunod sunod na tanong ko kay Meredeth na siya naman dahan at panay hila sa akin hanggang sa dinala niya ako sa may mesa tanaw ang mga kabayo nagkukumpulan nakita ko agad si Manang Bella ngumiti sa akin na may halong pangtutukso"You get your girl Abby"bulong pa sa akin ng makalapit napangiti si Meredeth sa ginawa ni manang Bella sa akin kahit hindi niya alam kung ano ang binulong

"Asan ba tayo Meredeth"halata na siguro niya pangalawang tanong ko na ito sa kanya"nasa bahay ng family ko"sagot sa akin dahan kinuha niya ang snacks na dala ng yaya niya sabay subo sa akin hindi ko mapigilan hindi maaliw sa mga kabayo may kulay puti,itim,brown at may halos mala zebra mukhang mga imported ang isang yon"Ancestral House namin"tinignan ko siya habang pinapanood nito ang mga kabayo"mahilig ang mga parents ko sa mga kabayo Abby"kwento pa niya sa akin.

Pagkaraan ng ilang minuto nilibot niya ako sa buong bahay.Doon ko nakita sumasali pala si Meredeth sa mga polo sports at doon sa larawan na iyon parang nasa isang competition siya naka sout ng karamihan makikita sa isang Polo Sports. marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya mukhang ito na talaga ang ligaw at getting to know you part

Napangiti ako ng bahagya sa malikot kung isipan"Abby may kakausapin muna ako saglit lang ako"halik ang dumapo sa mga labi ko mula sa kanya nakita ito ni Manang Bella tinignan ko siya hanggang sa ito ay maka layo sa amin "alam mo Abby ngayon ko lang siya nakitang ganyan"Habang kami ni Manang naka tingin sa kanya sa malayo may kausap sa telepono kumaway siya sa akin kinawayan ko rin ito sabay ngiti sa kanya."wag mo saktan ang alaga ko Abby ako papatay sayo"babala pa ni Manang sa akin nginitian ko lang siya ngumiti rin sa akin si manang saka umalis na

Tinitignan ko ang mga pusa na ang tataba naghahabulan sa damuhan natawa ako sa kanila gusto ko sila habulin at yakapin kurutin kakagigil dahil ang cute pati kulay nila

"Abby aalis tayo"hindi ko namalayan si Meredeth nakabalik naka tayo sa gilid habang pinapanood ko ang mga pusa nila alaga masaya naglalaro sa damuhan

"Saan tayo pupunta"bago paman sumagot ay hinila na niya ako agad sumunod na lang ako hanggang sa maka abot kami sa beetle ko,napatingin siya ang daming gasgas ng sasakyan ko nahiya tuloy ako isang sopistikadang babae pinapasakay ko sa haggard na sasakyan gaya ng kotse ko ngayon.Maliban sa brand na isang sikat bawing bawi rin yun nga lang daming gasgas

"Pasensya kana sa sasakyan ko"sabi ko ng pagkaupo namin"first time ko"napangiti na lang ako sa narinig mula sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko pagka change gear ng saksayan"saan ba tayo pupunta"hindi ito umimik hinayaan ko lang si Meredeth pinakiramdaman habang nagmamaneho ako nagpatugtug ako nang sumunod na sandali tinignan ko si Meredeth nakatulog na pala ito. Paano ko malalaman saan kami punpunta e natutulog ang GP's ko

Tinabi ko na lang ang kotse at binuksan ang mga bintana pinarada sa gilid ng dagat distansya mula sa highway.Pinagmamasdan ko lang siya natulog at ng mainip bumaba ako kinuha ang bote ng alak at cigarilyo umupo sa lilim ng kahoy pampalipas oras habang ang kasama ko ay nakatulog antayin ko na lang hanggang sa magising

Oras ako naka tambay sa lilim ng kahoy.Sa kalagit naan ng pag inom may tumawag sa akin alam ko si Meredeth na iyon na gising"Abby"medyo tumama na ang iniinom ko naku lagot ako pero inigihan ko ang paglalakad at ng hindi mahalata na sumuray na naman ako.

"Sorry nag aantay na siguro ang Agent sa atin"reklamo pa sa akin nagtaka na naman ako bakit saan kami pupunta "Abby"habang pinapaandar ang kotse"bakit Meredeth" tinignan ko siya saglit"may titignan akong bahay yun ang pupuntahan natin"hindi na ako umimik

Hanggang sa marating namin ang sinabing bahay at kinausap ang taong ka transaction ni Meredeth.Nag antay lang ako hanggang sa sila ay matapos mag usap.

Hinihatid ko siya sa bahay niya at ako naman ay umuwi sa cafe.Hindi na ako umuwi doon sa bahay ni mommy dahil ayokong makita siya total sa kanya naman yun hinayaan ko na lang.Aasikasuhin ko na lang muna ang cafe ko hanggang sa ito ay lumago.Hanggat maari iiwas at iiwas ako sa mommy ko lalo na kung magkasama sila ni Meredeth masakit eh

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon