Kabanat 2.31

0 0 0
                                    


Nagising ako sa gilid ni Meredeth hindi pa rin ito nagkakamalay matyaga akong nag antay magdamag gusto ko ako ang unang makikita niya kung gigising ito, hinawakan ko ang napakalambot na mga kamay na parang kamay ng isang bata gustong gusto ko ito sa kanya paborito ko ito kung hahawakan niya ako sa mukha

Hinaplos haplos ko ang noo at hahalikan ko na sana pero dumilat ng bahagya ang mga mata niya nanghihina. Halos tumalon ako sa tuwa nagkakamalay na siya

"Ab..by.."haplos sa akin sabay sambit sa pangalan kong nanghihina niyakap ko siya nagsimula tumulo ang mga luha nito"im..so.. so..rry..hin..di ko..ka..ya Ab..by.."pinahid ko ang mga luha sa mga pisngi niya"wag ka muna magsalita Meredeth"sabi ko pa sa kanya hinalikan ko ang noo nito"pahinga ka muna okay?andito lang ako hindi ako aalis"ngumiti lang ito saka niyakap ko ulit si Meredeth ng buong pagmamahal saka pinabalik ko ito sa pagtulog

***

Kinabukasan maaga akong nagising ng may humaplos sa ulo ko tumingala ako ng bahagya sinalubong ako ng may ngiti sa mukha ni Meredeth ngiti din ang titnugon ko sa kanya tapos tinuro nito ang kilay, alam ko ang peklat sa kilay ko ang tinutukoy nito medyo nakikita at halata pa ang tahi.

"Abby"medyo maaliwalas na ito saka tumayo ako at niyakap ko siya ulit halatang miss na miss ako dahil sa higpit ng mga yakap sa akin"Abby ayokong--" hindi ito tinapos ni Meredeth "so kaya mo pala nagtangkang magpakamatay dahil sa mom ko--" hindi natapos ang sasabihin ko sana ng bumukas ang pinto bumungad si mommy natataranta at nag iba ang mukha ng makita ako kasunod nito ay si manang Bella"anong ginagawa mo rito babae ka huh"hinampas hampas ni Manang Bella ang mommy ko para itaboy ito

"mom"napasambit ako sa pangalan niya"Meredeth anak ko talaga huh! kapal ng mukha mo ikaw Abby bakit ka pumapatol dito huh mga walang hiya kayo!"nag skandalo si mommy sa kwarto hanggang pumagitna na si manang Bella

"Hoy babae wala ka na bang magawa sa buhay cancer survivor ka diba? bakit hindi ka gumagawa minsan sa buhay mo ng tama huh diba second chance mo na ito diba" awat pa nito"yaya ka lang wag ka maki alam!" Bulyaw pa nito sa kanya"mommy teka wag mo naman pagsalitaan si manang ng ganyan"pumalag ako at lumapit sa kanya"ikaw Abby anong klaseng pagmamahal ang ibigay mo kay Meredeth"sumbat at turo sa akin ng mommy ko"No mommy!ako dapat ang magtatanong sayo ng ganyan anong klase ka magmahal" tiimbagang ang mukha nito sa akin"hindi mo alam ang buong storya kaya wag ka sasali dito"banta pa ni mommy sa akin"Oo hindi ko alam ang kabuohan mommy, pero sa nakikita ko sapat na para sa akin makita ang lahat ng nangyayari"diin tono ko sa kanya na simulat sapul ngayon ko lang ito sinagot.Isang sampal na naman ang dumapo sa pisngi ko halos nasanay na ako sumalo sa mga mabibugat na kamay nila

"Hindi pa tayo tapos Abby at pati sayo Meredeth!"turo pa nito sa akin harang harang ang sarili para wag sugurin ni mommy si Meredeth at isang malakas at mabigat na sampal ang binilin sa akin napa yuko ako at nahilo sandali mag asawang sampal na naman ang regalo sa akin wew!isa sa opening moment isa naman sa closing at departing moment grabeeeee

"Alis na bago pa mag tawag ng security at kaladkarin ka palabas"banta pa ni manang Bella wala magawa si mommy at nag walk out ito"so heto ang solution mo ganon ba talaga yun alam mo naman saan mo ako mahahanap diba, sana nagpunta ka sa Café at mag usap tayo"tinignan niya lang ako at ngumiti"hindi na ako nagpunta dahil ayaw mo akong makita,ayaw din kitang saktan Abby"pinakinggan ko siya na maaliwalas ang mukha bumabalik na ang sigla nakatingin sa akin

"Yun ang rason Abby"sagot ni manang sa akin pinaghain ng paboritong bacon ang alaga"ako na manang"dahan sinusubuan ko ng maliliit si Meredeth na ngumiti ng bahagya" salamat manang sa pagtaboy mo sa mommy ko"tinignan ko si Manang nakangiti sa akin

Oras ang nakalipas pinagpahinga ko si Meredeth pagkatapos ko ito maalagaan inantay ko itong mapikit ang mga mata.

"Alam niyo manang alam ko sa totoo lang na realise ko ang mga sinabi ninyo sa akin kagabi kung gaano siya ka selfish ang mommy ko, masakit pero may katotohanan ang mga sinasabi ninyo tungkol sa kanya sa totoo lang ho"ngumiti lang si manang sa akin habang tinitignan namin si Meredeth sa di kalayuan

***

Hapon na ng magising si Meredeth tyempo namn ang pag dating ko galing sa Cafe doon na kasi sa taas sa second floor ang tirahan ko

"Abby gusto mo ipa laser natin yang peklat mo" enganyo pa n Meredeth na kanina pa naasiwa sa peklat tinititigan niya kanina ko pa siya napapasin

"Wag mo na pagdiskitaan yan para badass akong tignan"biro ko sa kanya sumimagot ang mukha nito"diba manang parang sinadya lang yung hiwa diba maangas ang dating kinakatakutan"nagpasaklolo pa ako ani Manang na ngumiti makita kami nag aasaran hanggang hinampas ako ni Meredeth"lika nga mayakap na nga"niyapos ko sabay sabi"magpapalaser ako pero itira mo ito dito ng bahagya para kunyari sinadya"hirit ko pa sa kanya ngumiti ito"wag na Abby yun nga ang rason eh, para mawala na ang peklat tapos magpapa iwan ng konti"ngumisi lang ako habang si manang aliw na aliw sa amin.

theWritingStudio"

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon