Kabanata 2.9

0 0 0
                                    


Kumuha ako ng tubig na maiinom at binigay ko kay Meredeth naawa tuloy ako sa kanya. ano ba pinaggagawa mo Abby lagot kang bata ka!

"Meredeth"hagod hagod ko ang likod niya habang umiinom"Pinulot ko ang mga damit isa isa at sinubukan kong ipasout sa kanya wala akong magawa kundi ang yakapin siya.

"Tahan na Meredeth"niyakap niya ako ng mahigpit hindi ko alam ano ang nangyayari sa kanila ng mommy ko.

"Meredeth" tawag ko sa kanya binigyan ko siya ng box ng tissue"Meredeth babe alam ko natatawa ka sa tuwing tatawagin kita ng ganyan"tinignan ko siya medyo ngumiti ito sa akin hudyat na nakikinig ito

"May sasabihin ako may nangyari sa bahay"tinignan ko siya ng maigi naghihintay naman siya sa susunod na sasabihin ko"pinauwi ko sa bahay mo si Manang"buntong hininga ang kumawalan sa kanya natawa ako akala niya ano nangyari pina uwi lang pala si manang.Tnulungan ko ibalik ang damit nito naka jeans naka jacket lang halatang hindi ito pumasok sa opisina.

"Abby"higpit na yakap ang binigay sa akin"wala akong girlfriend Meredeth kaya tahan na"Naalala ko ang mga sinabi ni manang napangiti ako"uuwi ka na sa bahay natin" hinintay ko ang sagot niya"yun nga dapat ang sasabihin namin kanina ng mommy mo"naguluhan ako sandali sa sinasabi"Abby titira sa bahay ang mommy mo sa bahay na regalo ko sa kanya"hindi ako nakapagsalita sa narinig ko sa kaloob looban ay napamahal ako sa bahay na yun dios ko titira na ang tunay na may ari

"Sige hindi na ako uuwi doon Meredeth may kukunin ako mamaya doon tapos aalis na ako"tinignan ko siya na nagulat sa akin"wag ka mag alala kasya ako dito sa cafe ko sa taas nito may lugar para tirhan ng iisang tao"napangiti si Meredeth sa akin.Halatang may sasabihin pa ito pero hinayaan ko lang siya hinaplos ko ang mukha niya saka ako ngumiti.Napakagat labi siya sa mga titig ko sa kanya sabay pisil sa dimple sa kaliwa bahagi n mukha ko.

"Sasamahan mo ako this friday Abby"excited na tono nito may ipapakita ako sayo"Meredeth payag ako na miss kita sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit"labas muna ako saglit marami pa akong aasikasuhin pasensya kana"agad niya akong tinulak sa dingding na siyang gulat ko"Bakit Meredeth" naguguluhang isip ko na titig na titig sa kanya na agad naman niya akong binitawan at lumabas na, sumunod ako at nagtungo sa baking area.

Tinignan ko sila ni mommy umalis na hindi na ako nag abala kausapin ang mommy ko.Hanggat maari ayaw ko siya kausapin.Kahit siya ang nagluwal sa akin masakit pa rin ang ginawa niya hindi ko malilimutan hindi ako nagkikim ng sama ng loob pero nasaktan lang talaga.

Pagkaraan ng ilang araw sinundo ko si Meredeth sakay siya sa beetle ko nasisikipan ang lola niyo

Panay ngiti ko sa kanya sa passenger seat.Naka dress ito hindi ko maalis ang tingin sa kanya pati sa mga hita nito "eyes on the road driver"nahuli ata niya ako tinapik at sabay himas pa niya ang hita ko malapit sa alam niyo na"Abby" pinisil niya ang hita ko na siya naman kumending ang kotse nakikiliti ako sa ginawa niya

Oh god nakikiliti ako at nagmamaneho pako for goodnesssake!

Medyo sumuray ang kotse napakapit siya ng wala sa oras."sorry" kinuha agad niya ang kamay sa hita malapit sa maselang parte.Nakita ko sa salamin namula ako at nahalata ni Meredeth medyo na turn on ako sa ginawa niya napakagat labi ito nahuli ko si Meredeth todo mula ang mukha ko oh god! Nakakahiya

"Meredeth sorry"inantay ko ang sagot niya"its okay Abby sa edad mo no worries i understand naman "pinakinggan ko siya nagsasalita pero pula pa rin ang pisngi ko hindi ko alam bakit ako nahihiya sa kanya ng ganito grr!

"Abby"lutang ako may naririnig ako tumatawag sa pangalan"Abby sandali"tinignan ko si Meredeth hinintay ko siya magsalita kita ko kagat labi ng bahagya"Meredeth"tugon sa kanya itinabi ko ang sasakyan para makinig sa sasabihin niya ng bigla siyang kumandong paharap sa akin agad ko inadjust ang drivers seat para hindi ako maipit habang nakakandong paharap sa akin,agad hinaplos niya ang pisngi napapikit na lang ako sa subrang lambot ng mga ito.

"Bakit may problema ba"habang naka kandong siya sa akin"andito na tayo"sabi niya nakangiti"Meredeth nanliligaw pa ako sayo bakit kumandong ka sakin ibig sabihin ba niyan sinasagot mo na ko"hindi ko inalis ang mga mata titig na titig sa kanya ang mga labi nitong nanunukso sa kabila ng pagkandong sa akin hindi ko maiwasan ang sarili ko hindi madala o mahigop sa charisma dulot niya.

"Hindi pa kita sinasagot Lover"bulong pa sa akin lalong tumindig ang balahibo ko."pasok mo na ang beetle mo. ahmm yang malaking gate na yan"tunro nito natulala ako hindi ko na kuha agad ang ibig niya sabihin"Abby"tumawa siya sa akin pinisil niya ang mukha ko sabay tawa ng tawa sa akin.ipasok ang beetle ko hindi maka get over sa tenga ng marinig ko"Abby sige na paandarin mo na ang sasakyan" agad nag start ang makina at umalis din sa pagkakakandong sa akin.

Pagkababa lumapit si Meredeth sa akin tumingala muna sa akin sabay niyakap ako matangkad ako kumpara ni Meredeth lalo na hindi ito naka high heels.Naka jeans lang ako habang siya ay nag effort naka dress at flat shoes

theWritingStudio*

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon