Kabanata 2.20

0 0 0
                                    

Malaki na ang tiyan ni Elaine pero pumapasok pa rin kahit pinagbabawalan ko.Si Claire naman ang nagaasikaso pag uuwi na si Elaine.Ako naman heto pa rin tumutungga pa rin ng alak at iilang sticks ng cigarilyo nakikipaglaro sa mga labi ko

"Ma'am Abby may naghahanap po sa inyo ma'am si Meredeth po"tinignan ko lang si Claire saglit"ay heto na po pala siya"bakit umakyat ka pa rito hindi pa ayos ang hagdanan baka mahulog ka, kargo ko pa"sabay buga ng cigarilyo sa ere habang lumalapit si Meredeth sa kinaroroonan ko

"Gusto ko lang makita ka Abby"kalmadong sabi umupo sa isang upuan nakita ko si Meredeth lumigon muna sa staff inintay maka alis napansin ko ito "Si Claire girlfriend mo na ba siya napapansin ko iba ang titigan ninyo sa isat-isa"tinitignan ko lang si Meredeth at hindi nagsalita"ahmm... sorry nakikialam ako sa personal na buhay mo"hindi ko pinansin ang sinabi ni Meredeth sabay buga sa ere g cigarilyo at tungga ng alak"weird lang ang mga empleyado ko wag mo silang pagdiskitaan lutang ang mga yan sa kape..."saway ko pa sa kanya na matabang ang boses

"Miss ko na ang dating Abby na nakilala ko parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon lalo na sa tuwing nakikita kita"tinignan ko lang siya nag uunahan nagbagsakan ang mga luha sa pisngi dati ayaw na ayaw ko makikitang umiiyak siya ngayon wala na akong nararamdaman"alam mo naman ang rason bakit ganito na ako ngayon Meredeth kailangan ko pa isa isahin?"matapang at prangkang tono na halong maypanunumbat pa sa kanya"at isa pa wala kana pakialam doon kung sinong babae hilahin ko sa kama gabi gabi"sabay kuha at sindi na naman ng panibangong cigarilyo at tungga sa alak na malapit ng maubos ang laman

"Patay na ang Abby na kilala mo"tinignan siya ng maiigi ano ang magiging reaksyon sa sinabi "nawala na sa mga mata mo ang puno ng pagmamahal Abby na pakiramdam ko na halos ako lang ang mundo, sa mga titig mo sa akin sa di kalayuan ramdam ko ang pagmamahal mo kahit hindi ka nagsasalita ramdam ko gaano mo ako kamahal"pilit inaala ni Meredeth ang dating Abby na nakilala niya habang tumutulo ang mga luha sa harapan pero ako wala na ni katiting na emotion nawala na yung taong puno ng buhay at puno ng pagmamahal"Abby please hayaan mo kahit saglit lang miss na miss na talaga kita "yakap na sige go ahead" isang mahigpit na yakap mula sa kanya sabik at pangungulila sa akin ang ramdam ko sa kanya.

"Alam mo bang gabi- gabi kitang hinihintay sa dalampasigan Abby"pinakiramdaman ko lang si Meredeth na panay punas sa luha nito habang niyayakap ako, ni hindi ako nag abalang patahanin ito o haplusin man lang ang likod o ang pisngi "ngayon ko lang aaminin to Abby minahal kita dahil ang tapang- tapang mo, kaya mo ipaglaban ang lahat kahit sinong taong mahal mo kahit hanggang patayan pa"mga rebelasyon ni Meredeth na ngayon ko lang marinig sa kanya

"mommy mo ba tinutukoy mo o ako bagay na hindi nagawa ng mommy ko noong mga panahon buhay pa si Dad"sumbat ko pa sa kanya pero hindi ito tumugon"Abby nag out ka sa pamilya mo tinaguyod mo ang sarili mo at mabuhay na walang kasiguraduhan, kung ano ang mangyayari sa susunod na araw alam mo bang hangang hanga ako sayo sa tapang mo"pinakikinggan ko si Meredeth na yumayakap ng mahigpit sa akin pinupunas ang mga luha nag uunahan dumadaloy sa pisngi nito pero ako ay parang poste niyayakap niya na walang ka buhay buhay

"Masakit Abby sa totoo lang ang pagkakamali ko lang ay hindi kita pinaglaban sising sisi ako hanggang ngayon"amin pa sa akin na nakayap pa rin ng mahigpit. Pero hindi ako nagpadala sa emosyon ko hindi ako nagpatinag o binili lahat ng mga sinasabi ni Meredeth unless makikita ko pinaglalaban niya din ako

Im done this sh*t! im out!

Hihintayin ko na lang na si Meredeth na mismo ang mag de-decision ano gagawin niya sa sarili.Ayokong mag influence to cloud her judgements anyway,dahil hindi ito mag wo-work"Abby may hihilingin lang sana ako wag ka sana mag-kama ng kung sino sinong babae sa kama mo sa tuwing gabi"sabi nito habang hinawakan ang mukha ko

"oh god! Abby mukhang lasing ka na talaga kung ano ano na naririnig mo"pinatatamaan ko si Metedeth, pinakiramdaman kung ano ang magiging reaksyon nito, kahit hindi ito totoo alam ko sa sarili ko subsub ako sa trabaho at walang mga babaeng kalaro sa kama gabi gabi"Abby kung gusto mo uuwi ako dito sayo gabi gabi "napa ismid ako sa narinig kay Meredeth mukhang effective ata

"ano yan para ikaw ang paglalaruan ko gabi gabi o kakaibang booty call yan Meredeth"saway ko pa sa kanya naawa na sa mga sandaling iyon pinababa ang sarili sa harapan ko"its late na Meredeth kumain kana ba tinititigan ang relo sa braso ko"tinignan ko ang mga mata nito namumugto lumingo ng bahagya inabot ko kaagad ang cellphone at nag order ng chinese food na parehong paborito namin ni Meredeth bahagya ngumiti ito"bathroom muna ako Abby"tinignan ko ang paa nito

"Tanggalin mo stiletto mo, heto gamitin mo muna mag papaa nalang muna total,tuyo naman ang semento dito magingat ka pababa at please sa bathroom ng room ko Meredeth, wag kang baba doon sa ground floor kakahiya sa mga staff ko namumugto yang mga mata mo pag pyestahan pa tayo ng mga walang magawa sa buhay"madiing saway ko pa sa kanya

Ilang sandali pa dumating na ang paborito nitong pagkain naawa ako kahit paano naging mabuti si Meredeth sa akin kahit sa konting paraan na alam ko binabalik ko lang ang kabutihang loob ko na minsang tinawag kung Reyna ko

Nang makabalik si Meredeth tamang tama inabot ko ang pagkain sa isa sa mga staff na pinadeliver ko pa saka binigyan ko si Meredeth ng chopsticks.Pinakikiramdaman ko lang siya habang tinutungga ang bote ng wine alam kong tinitignan niya ako alam kong hindi niya gusto palagi akong umiinom pero ni minsan hindi ako sinaway nito."saan ka pupunta Abby"tinignan ko siya"tatalon bakit sasama ka"ngumiti ito sa akin tinaas ko ang kalahati ng cigarilyo dumistansya muna ako sa kanya at inubos ang paghithit nito

Maiksi na ang cigarilyo inapakan ko ito saktong nakalimutan ko na naka paa lang pala ako"oh god ang init!"napatalon saka napalingon ako sa kinaroroonan ni Meredeth tumatawa na pala sa akin tumalikod na lang ako at pinipigilan ang sakit hindi nagpahalatang napaso napatiklop ako sa subrang sakit

Pagminamalas ka nga naman wew!ang shaket!

theWritingStudio*

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon