Kabanata 2.8

4 1 0
                                    


Nasabahay ako ng mga magulang ko matagal na rin akong hindi naka apak at nakatungtong dito.Ang dating kwarto ko ay ginawang bodega, halos pagsakloban ako ng mundo ng makita ko ito parang patay na ako kung ituring nila.Ni mga pictures ko sa dingding wala na lahat ng mga alaala na dito ako nakatira inalis na.Hindi na ako magtatanong kung sino ang may gawa.

Habang naguusap at naghalakhakan ang mga bisita nila mommy, ako namay nasa gilid ng hardin nagmamasid na parang hindi ako parte ng pamilya.Si Meredeth panay sulyap sa mommy ko ang shaket pero binaliwala ko lang ito dahil bagong dating ayaw ko mag eskandalo

Maliban sa kapatid na si Kenneth iniwan niya muna ako saglit dahil andon naka buntot sa soon to be wife habang ako namay solo-flight ay hindi pala may lumapit sa akin ang mga gamu gamu sa hardin kung saan ako kaya hindi ako nagiisa

Parang kinalimutan na ako ng pamilya ko hanggang sa magpasya akong umuwi na lang ng hindi nila namamalayan umalis na.Akala ko family gathering at double celebration na rin pero wala etschapuera nako

Habang nasa daan wala ni isang text ang dumating hanggang sa nakarating ako sa bahay.Ni wala man lang nakapansin sa akin umalis na.Pinaghain ako ni Manang Bella ng hapunan badtrip Pagkatapos kumain umakyat at natulog hindi ko inantay si Meredeth alam ko na ang magiging scenario kapag may dumating mula ibang bansa.kaya deadma si Abby muna ngayon

***

Kinaumagahan hinanap ko kaagad ng mga mata si Meredeth ng magpunta ako sa kusina para mag agahan."Abby hindi siya umuwi"napansin ni Manang Bella siguro panay dungaw ko sa baba pagkatapos ko marinig naging matamlay agad ng malaman ko hindi siya umuwi.

Nagbihis na ako pagkatapos kumain"Manang pwede na ho kayo umuwi sa bahay nang alaga niyo po" saka umalis na ako iniwan si Manang

Nang marating ko ang café bumati agad ang mga empleyado kasama na doon ang newly hired nasulyapan ko napakamot sa ulo ng makita agad ako alam na siguro sinabihan ni Elaine.Agad, nagpunta sa computer para humanap ng mga panibagong recipe ng mga cupcakes ng makahanap agad akong nagtungo sa nasabing supplier para tignan ang mga nakasaad sa website nila.

Naglalakad ako ng makita ang mommy ko agad dinako ang mga mata sa katabi niya si Meredeth as i expected.Yumuko na lang ako at tuloy -tuloy lang ang lakad papasok sa katabing shop. Naghanap ako ng mga kakailanganin sa bagong recipe.

"Abby" nilingon ko si Meredeth pala at ang mommy pumasok din sila sa shop na pinuntahan ko namili rin ng mga kakailanganin sa pag bake guess what may pinagmanahan si Abby yun ang pinakamasakit sa tanang buhay ko. Ang makita silang masaya bago pa ako isinilang sila nang dalawa ang nag iibigan matagal na. Abby tanggapin mo na... ano ka ba... kumbinsi pa sa sarili ko ng mga panahong iyon tinatagan ang sarili na kahit magkasama sila hindi maaninag na nasasaktan ako.

Nagtungo ako ng counter, may nakita akong may nag demo na babae sa mga isa sa machines nila at mga produkto nila at may pa free taste sa mga finish product, medyo madami din ang mga tao andoon naka sukbit lang ang kamay sa leather jacket na may hood sa likod at may sout na cap sa ulo habang patingin tingin sa mga nakadisplay na mga baking supplies.

Nangingilid man ang mga luha sa mata pinunasan ko ito hanggat maari.Pinunasan ko ka agad na papunta na ako ng counter napansin ng saleslady dali akong umiwas sa mga titig nito.Pagka abot ng bayad agad akong umalis pabalik sa cafe napansin ko marami na pala akong empleyado morning shift at afternoon.

"Elaine at my office asap" mando sabay turo ko sa direksyon ng office"ma'am may emergency po ba" ngiti ko sa kanya"something came"titig na titig ako sa kanya nagaantay na mukha ni Elaine na parang nanonood ng suspense sa mukha ko

"Kaya ba nating mag 24hours ang cafe"tanong ko sa kanya agad nabitawan niya ang dalang mga kahon kanina pa tangan tangan.

"Teka"natigilan saglit si Elaine sa narinig tumagal ng ilang segundo bago pa ito nakapagsalita."ma'am Abby may naghahanap po sa inyo"sabi ng staff "tonight Elaine usap ulit tayo"sabay turo ko sa kanya paalis.

Agad ko tinungo ang sinabi ng staff na may naghahanap sa akin.Nakita ko ang dalawa ang mommy ko at syempre si Meredeth dumistansya na nga ako pilit naman lumalapit ito grabe ang sakit na talaga!

"Hi mom...Hi Auntie Meredeth"nakatayo sa harap nila halatang may aaminin ang dalawa.Hinanda ko na ang sasabihin nila sa akin hanggang napansin ni Elaine hindi ko alam na sinusundan pala ako ng mga mata niya.Ang ginawa ay sinaklolohan ako lumapit ito sa akin at hinawakan ang isang kamay ko.Nakita ko si Meredeth na tiimbagang sa nakita niya sa paghawak ng kamay ni Elaine sa akin.

"Excuse me saglit Abby pwede ba kita maka usap in private"Dali akong hinila ni Elaine at nagtungo sa office.Ngiting asar tawa pa kami ni Elaine sumunod pala si Meredeth sa likod namin

"Abby girlfriend mo ba to!"dinuro si Elaine"sandali sandali"awat ko sa kanila sa gitna"Elaine labas ka muna dami customers natin pakiasikaso lang muna please ahm.. usap tayo tonight"sabay senyas sa mata ko exit na.

"Meredeth"sambit ni Abby pero bago pa dugtungan isang sampal ang dumapo sa pisngi, halatang nagulat din si Meredeth sa nagawa niya sa akin tiimbagang lang ako hindi kumikibo,napa nganga sa sakit "Abby magsalita ka"kambal na sampal ang dumapo sa akin pisngi pakiramdam ko mapula na pinili ko hindi magsalita.Lumapit si Meredeth yumakap at humahagulhol sa akin."ang sakit Abby" wow ha... ako nga tong sinampal mo na kambal ikaw ang umiiyak para sa akin

Doon ko napagtanto kaibigan lang sila ng mommy ko pero hindi ko ma alis alis ang tinginan nila sa isat-isa."Abby in love ako sayo paano mo ito nagawa sa akin!!!"Hampas pa ni Meredeth sa braso ko nagpasya yakapin ng mahigpit hanggang tumahan na ito."Abby ang sakit"humahagulhol pa ito lalo.Nag antay lang ako tumahan si"Meredeth" sambit ko sa kanya

"Abby ano ba meron siya huh nawala ako?! Ganti mo ba ito sa akin?!" pasigaw niya sabi hanggang sa daling hinubad ang sout sa harap ko.Tumakbo agad ako hindi sa natakot

Para i lock ang pinto! Oo

Ngiting baliw ang utak ko ng mga sandaling iyon hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Manang na ; ngayon lang nagkaka ganito ang alaga niya nako paktay na Abby lagot na!

theWritingStudio*

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon