Kabanata 2.24

0 0 0
                                    


Ang puting sabon nag iba ang kulay naging pula dahil sa dugo na umagos, sa kilay pala ang sugat ko mainit init at mamasa masang dugo na ramdam ko

.

"Omg Abby!!!"tinignan ko siya tumakbo papuntang loob, ako namay nahilo ng bahagya napa lingo lingo pa ang ulo para medyo hindi umikot ang paningin. Daling kinuha ang hose pinadaluyan ko muna ng tubig ang sugat, halos naligo na ako galing sa tubig nito. Tinignan ko ang sugat sa side mirror ng sasakyan ang kilay, medyo maliit lang pala tinignan ko ang likod ng kotse baka sakaling may iba ibang alak pang nakatago andoon si Meredeth. Natataranta sa loob siguro hinahanap ang medicine kit.Ako naman ay kalmadong naghahanap ng alak napa ismid na lang ako sa kanya madaling mataranta

Tinignan ko ang damit puro dugo na pala hinubad at naka bra piniga saka binuhusan ng vodka sabay tungo sa side mirror ng kotse tumutunga ako habang nililinisan ang sugat hindi pa bumabalik si Meredeth parang may kausap sa telepono narinig ko ang pangalan ni Manang mukhang pupunta ito dito wow may beefsteak na naman yeah!!! habang nililinisan ko ang sugat bahagyang binuhusan ko ng alak ang sugat, kailangan matahe medyo bumuka kasi mukhang masama ang bagsak sabi pa sa sarili napuno ng sabon kaya halos wala na akong makita kaya ayun na dulas.

"Abby ano ginagawa mo"naabutan ako ni Meredeth na nililinisan ang sugat medyo na gulat din ito sa ayos ko habang tumutungga ng panglinis sa sugat"teka saan mo nakuha yan"turo sa alak"sa likod ng kotse ko bakit"tapatawa ako ng bahagya bigla umasim ang mukha nito"halika lilisin at gamutin natin yan"halatang nagdadalawang isip na lumapit sa ayos kinuha, ulit ang hose at nilagyan ng tubig ang damit saka piniga at sinuot ulit"sorry"sabi ko sa kanya saka lumapit sa akin si Meredeth" kumuha ito ng betadine at bulak pero pinigilan ko siya yung bulak ang kinuha sa kamay saka nilagyan ng vodka"baliw ka talaga imbes betadine,sa vodka mo isinasaw "tinignan ko siya ng maiigi na malapit na akong matawa "bakit ganyan ka makatitig "habang dinadampi nito ang bulak na may alak sa kilay ko.sawsaw talaga huh

"Kailangan magpunta tayo sa ospital para matahi ito"kuha sa bulak at nilagay ay vodka at panay diin sa sugat"teka sandali dahan dahanin mo naman "tumungga ako ng alak kasabay binuhos ko ito sa noo halos naligo na nito"omg Abby!"nagulat man pero ako ngumisi lang"iwas infection na to no worries"ngisi pa rin ako sa kanya medyo nahihilo lang konti at suma sasakit na"teka andito na pala si yaya"hindi ko alam kung maiinis ako dahil yaya ito ng yaya o dapat ba akong matuwa dahil masarap magluto ng beefsteak ang yaya neto

"Manang Bella long time no see ah"yakap ko pa sa maliit na chubby na babae na cute ang height natawa ito sa akin habang pisil pisil ko ang magkabilang pisngi "pasensya kana manang sa itsura ko"tinignan si Manang kinuha ang hose ng tubig at tinapos linisin ang beetle sa garahe"lika sa loob gagamutin natin yan mayamaya punta tayo ng ospital" hinila ako ni Meredeth, si manang naman ay tinapos banlawan ang kotse ng tubig mula sa hose tinitignan siya habang ako at si Meredeth nasa hagdanan ginagamot ang sugat at panay tungga ko naman ng alak.

***

Lumipas ang maghapon hindi na ako pumayag madala sa ospital para tahiin kasi maliit lang talaga namaga at tumiklop na rin ang hiwa nilagyan ni Mamang ng maliit na bendahe at inom ng painkiller okay na ako.Simula ng itakwil ako ng ama ko nawa'y sumalangit nawa ang kaluluwa nito

Sarili ko lagi ang inaasahan kahit nagkakasakit, ako lang mismo nagaalaga sa sarili.Hanggang sa ako ay gumaling, hinarap ko ang buhay na mag isa at puno ng tapang, kahit natatakot man naninibago wala akong choice kundi life must go on in a process marami akong natutunan sa buhay kaya hindi ako nagpapanik sa tuwing masusugatan ako o magkakasakit dahil alam ko magiging okay din ang lahat kaya heto naka upo pa tungga tungga ng alak

"Manang saan ho kayo pupunta "tinignan ako ni manang"bibili ng sangkap ng beefsteak mo"parang may kampana akong narinig mula kay manang sinabi ko na nga ba may beefsteak talaga eh!

Tinignan ko si manang papalabas saka kinuha ang mga iilang prutas sa basket at dinala ko sa may tabing dagat liban sa prutas present din ang alak at sigarilyo syempre mawawala ba yung bida hindi noh!

"Abby"sambit ni meredeth sa pangalan sabay yakap nito sa tagiliran ko"masaya ako kahit hindi tayo"nagulat ako sa sinabi ni Meredeth napatingin ako sa kanya malungkot ang mga mata nito pinili ko hindi mag komento pa niyakap ko na lang si Meredeth hindi ko alam kung awa o mahal ko siya pero hindi pwede talaga lumambot sa harap niya

"Nahihilo ka pa ba"tanong sa aking hinimas niya ang braso, sinubuan ko lang siya ng isang grapes"alam mo Abby, bumalik na yung aura mo dati sa tuwing tinititigan mo ako na puno ng pagmamahal"tamis na ngiti sa mga labi ang nakita sa kanya, hindi namalayan, dinampi ko na pala ang mga labi ko sa kanya saka tinignan ulit siya na sobrang saya

"Abby!Meredeth!"sigaw ng isang babae mula sa likod familiar na boses paglingon ko isang sampal ang dumapo agad sa pisngi ko hayun nahilo na naman si Abby niyo

"Sandali!sandali!"awat kaagad ni Meredeth habang nagaaway silang dalawa pinahid ko sa palad ang dugo sa mukha ko pakiramdam, bumuka na naman ang sugat ko hanggang sa dumami ito ng dumami ang dugo. Winisik ko ang kamay sa buhangin punas sa dugo sa mukha ko nahilo talaga ako sa sampal ni mommy, hindi biro talaga sumalag ng mabigat na sampal "Abby!teka, bakit mo naman sinampal ang anak mo!"sa unang pagkakataon ngayon ko nakita si Meredeth na galit na galit sa momny ko na shock tuloy ako na nag iba talaga ang aura nitong nanggagalaiti sa galit ng makita akong duguan ang mukha halos naka hilamos na

"Halika Abby punta na tayo ng ospital"hinila ako ni Meredeth sabay dampot ko naman sa cellphone sa buhangin at grapes nakangiti ako ng mga sandaling iyon parang bata na makulit sa pagdampot

"Meredeth napano si Abby?!"tinig ni mommy naguusisa ,Hindi alam na may iniinda akong sugat.Hinablot ko ang kamay sa pagkakahawak ni Meredeth, saka bumalik at hinarap si mommy "may sugat ako sa kilay dahil nadulas ako kanina habang naglilinis sa kotse, tapos ngayon sinampal mo ako kaya, heto bumuka ang sugat"madiin at galit na tono kay mommy "mawalang galang na ho mom sabay wisik ulit sa dugo dumadaloy sa mukha ko"problema ito ngayon dahil paano ito tatahiin kung subrang maga na" hindi ko alam kung kakayanin ko ang sakit "excuse me ho" sabi ko pa sa kanya sabay alis

theWritingStudio*

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 2| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon