11

66 4 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at tuluyan ng gumaling ang sugat ni Vittoria. Si Harper ang nagpapalit ng benda nito na sa tuwing gagawin ito ng huli ay palaging bumibilis ang tibok ng puso ni Vittoria.

"See? It's all healed!" Masayang sabi ni Harper kay Vittoria. "But I'm afraid the scars will stay." Biglang lumungkot si Harper habang nililinisan pa rin ang dating sugat ni Vittoria.

Wala sa sariling hinawakan ni Harper ang sugat. Malungkot ito habang nakatitig sa sugat dahil sa isip niya, nabaril si Vittoria ng dahil sa kanya. Nahihiya siya sa dalaga dahil dito.

Pigil hininga si Vittoria sa ginagawa ni Harper ngunit saka lang nito napansing malungkot ang dalaga. Bahagya siyang nalungkot dahil dito.

Wala sa sarili niyang hinawakan ang kamay ni Harper na nakahawak sa kanyang sugat.

Agad na lumingon si Harper kay Vittoria at pareho silang namula.

"S-sorry!" Natatarantang sabi ni Harper at akmang tatayo na ito ngunit hinila siya ni Vittoria dahilan upang mapaupong muli si Harper.

"Don't ever think this is your fault, Harper." Malumanay na sabi ni Vittoria habang bahagya itong nakangiti kay Harper.

"I...I know it's my fault you got shot..." Mahinang sabi ni Harper at saka ito yumuko at tila ba naiiyak ito.

Nahabag ang loob ni Vittoria nang makitang muling malungkot ang dalaga. Nitong Mga nagdaang araw, sa tuwing makikita niyang malungkot si Harper ay nasasaktan siya. Ayaw niyang makitang malungkot ito kahit hindi niya maintindihan kung bakit.

Hinawakan ni Vittoria ang pisngi ni Harper at saka dahan dahan niya itong iniangat. Nagulat si Harper dahil dito ngunit hindi siya lumayo, hindi siya nailang. Bagkus ay tumibok ng mabilis ang kanyang puso at hindi niya maintindihan kung bakit.

"None of this is your fault...okay?" Nakangiting sabi ni Vittoria. "I'm alive because of you...you saved me...and I'm forever grateful because of that." Malambing na sabi pa ulit nito.

Parang kinapos ng hininga si Harper dahil kay Vittoria. Hindi siya sanay na ganito si Vittoria sa kanya ngunit may puwang sa kanyang puso na tila ba masaya siya na ganito si Vittorria sa kanya. Pakiramdam niya ay espesyal siya. Pakiramdam niya ay importante siya. Pakiramdam niya ay...may nagmamahal sa kanya.

Wala tuloy sa sariling hinawakan ni Harper ang kamay ni Vittorria na nakahawak sa kanyang pisngi.

Nakatitig lang ang dalawang dalaga sa isa't isa. Tila ba tumigil ang oras para sa kanilang dalawa. Unti unti, tila hinihila ng tadhana ang kanilang katawan papalapit sa isa't isa. Hanggang sa mag dikit ng tuluyan ang kanilang mga labi.

Parang naging estatwa si Harper ng dumampi sa kanyang labi ang mga labi ni Vittoria. Ngunit ng maramdaman ng dalaga ang pag haplos ng dila ni Vittoria sa kanyang labi ay wala sa sariling binuka ni Harper ang kanyang bibig.

Naging mapusok ang kanilang halikan. Wala sa sariling hinila ni Vittoria ang dalaga sa bewang dahilan para mapaupo si Harper sa kandungan ni Vittoria. Iniyakap ni Harper ang kanyang mga binti sa bewang ni Vittoria habang nakaupo ito sa kandungan ng dalaga habang hindi napuputol ang kanilang nagaalab na halikan.

Maya maya lamang ay hinawakan ni Harper ang balikat ni Vittoria at ang kabilang kamay naman nya ay inihawak nya sa mainit na batok ni Vittoria upang mas mapalapit pa sila sa isa't isa. Nakaramdam lalo ng pagka sabik si Vittoria dahil dito kaya naman ay dahan dahan nitong minamasahe ang tagiliran ni Harper at sa hindi malamang dahilan ni Harper ay pakiramdam niya ay napakaraming paru-paro ang nagsisiliparan sa kanyang tiyan dahil sa ginagawa ni Vittoria. Ngayon lamang niya ito naramdaman sa tanang buhay niya. Pakiramdam nya ay sasabog ang kanyang dibdib dahil sa kanyang nadarama.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon