4

425 30 1
                                    

Kasalukuyang nasa hotel si Vittoria, kasama si Harper. Walang nagawa si Vittoria dahil nagpumilit itong sumama sa kaniya.

Sabi nga ni Robert, kailangan itago at tulungan ni Vittoria ang dalaga. Masama man ang loob ng dalaga ay wala na din itong nagawa. Naisip niya kailngan niya din si Harper para makibalita sa kaniyang ama.

Buong oras na papunta sila sa hotel kanina ay hindi sila nagu-usap. Pwera na lang ng mag-away silang dalawa tungkol sa paghalik ni Vittoria kay Harper. Hindi kasi matanggap ni Harper na hinalikan siya ng babae. At lalong hindi niya matanggap na gumanti siya ng halik na para bang nagustuhan niya pa ito.

Naga-away sila sa daan na akala mo ay magkasintahang may pinagtatalunan. Kaya naman walang pumapansin sa kanilang dalawa kahit ba parang magpapatayan na sila sa sobrang galit sa isa't isa ng dahil lamang sa halik.

"I did that to save us! Stupid! That's nothing okay?! That's why I said I'm sorry." Naiinis na sabi ni Vittoria matapos makipag bangayan kay Harper sa gilid ng daan.

Pero tila nasaktan si Harper sa sinabi ni Vittoria. Dahil may ibang epekto pala ito sa kanya.

Maybe to you it's nothing. But for me...I felt something. Ang tumatakbo sa isip ni Harper habang nakatitig kay Vittoria. At dahil sa mga titig na ito ni Harper ay parang may nabasa si Vittoria kaya biglang lumambot ang galit na titig nito sa dalaga.

"L-let's just go. It's not safe here. If you really want to stay with me, then fine. If not, go ahead and you may leave me alone." Ito na lamang ang nasabi ni Vittoria at saka siya naglakad patungo sa hotel.

Hindi kumikibo si Harper at nakaupo lamang ito sa mumurahing kama ng cheap hotel na ito. Hindi siya sanay sa ganitong lugar dahil lumaki siyang may kaya sa buhay. Nakaligo na ito dahil kinailangan niyang linisin ang kaniyang katawan dahil may mga bahid ito ng dugo.

Samantalang si Vittoria naman ay naliligo sa banyo ng kwartong kanilang tinutuluyan. Hindi maiwasan ni Vittoria na mapaluha. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Unang una wala siyang balita sa kanyang ama. Pangalawa...nakapatay siya ng tao. Ni minsan hindi sumagi sa kaniyang isip na makakapatay siya ng tao. Pero nagawa niya ito ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Pakiramdam niya tuloy ay masama siyang tao dahil dito.

Tinapos na niya ang kanyang paliligo at saka lumabas ng banyo. Naabutan niyang umiiyak si Harper sa dulo ng kama. Yakap yakap nito ang kaniyang mga tuhod at nakasubsob sa mga kamay nito ang kanyang ulo habang nakasandal sa headboard ng kama. Hindi niya malaman kung anong gagawin dahil hindi siya marunong magbigay ng simpatya sa ibang tao.

Hindi niya rin siguro matanggap kung anong nangyayari ngayon. Naisip ni Vittoria. Pareho silang walang ideya kung anong lagay ng kanilang mga ama. Kahit sa balita ay wala pa ding update kung nakita na bang buhay ang presidente at ang kanyang ama. Ayaw din maglabas ng ibang balita ang mga news channel lalo pa at napaka-sensitibo ng balitang iyon.

Napukaw ang atensyon ni Vittoria ng marinig sa balita ang bise presidente ng Amerika.

~as we all know...this is a devastating day for our country. The president...of the United States...was assassinated. Let me say it was attempted. As we don't have any news yet from our trusted team that they were killed outside the Church of England... Just like you, we are all hoping that the president is still alive. Right now, London is in lock down. We're working side by side with their government to bring justice to what happened. We will do everything to find the president and bring him back alive. For now, my fellow citizens, we need to stand together. We need to support each other. We need to work together for the future of our country. We must pray and be positive that the president survived the attack. JUSTICE..will be served! God bless America!~

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon