13

49 5 4
                                    

~missing person alert is still on as the President's Daughter Harper Vandergriff, nineteen years old, is still missing. Few witnesses confirmed they saw Vandergriff on the other side of the state fleeing with an unknown girl of same age, from a large group of men dressed in military uniform. Other witnesses confirmed they heard gunshots from a small town and assuming they saw these two missing girls fleeing from the scene. The President is still missing in London while the Vice President is currently taking over his role for the meanti—~

Pinatay ni Louise ang radyo. Napahilamos ito ng mukha at saka bumaling ng tingin sa dalawang dalagang katapat nya sa lamesa. Tulala ang dalawa habang nakatingin sa kanilang umuusok na tasa ng kape.

"I've talked to a few friends of mine. They know the situation inside the white house. They said it's total chaos there. Your friend, Nate, is looking for you." Sabi nito habang nakatingin kay Harper.

Nang marinig ito ni Vittoria ay napasimangot ito. Hindi talaga siya tiwala sa Nate na iyon. Malakas talaga ang kutob niya na ito ang nagsumbong sa mga lalaking humahabol sa kanila kaya nalamang nandoon sila sa bahay ni Nate.

"I need to see him. Or talk to him." Nagaalangang sabi ni Harper. At dahil dito, mabilis na napalingon sa kanga si Vittoria at kita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Are you freaking serious Harper? You want to see him? He's the one who told those fuckers where we were!" Inis na sigaw ni Vittoria at nagpantig naman ang tenga ni Harper dahil dito.

"You don't know that! He's my friend, he's never gonna betray me!" Gigil na sagot ni Harper sa dalaga dahil sa loob loob niya, matagal na niyang kaibigan si Nate. Wala sa hinagap ni Harper na gagawin ito ng lalaki sa kanya.

"Fine! Suit yourself! Go see that mother fucker! I don't care anymore!" Galit na galit na sigaw ni Vittoria at saka marahas itong tumayo at umakyat sa itaas.

"Fine!" Galit ding sagot ni Harper ngunit nanatili lamang itong nakaupo sa harap ni Louise.

Napabuntong hininga si Louise dahil sa dalawang dalaga. Sa isip nito, mga bata pa rin itong mga ito.

"You know...Vittoria might be right." Panimula ni Louise habang nakatitig ito sa kanyang kape.

"In your current situation, you have no choice but to think of everyone as your enemy. Even if it is your closest friend." Luminga ito kay Harper at napansin niyang nakatingin ang dalaga sa kanya.

"Vittoria's being unreasonable. She's just jealous of Nate." Umismid ang dalaga sa isiping ito.

"Maybe she is, maybe she's not but she's just being cautious. You can't blame her, Harper. She risked her own life for you, and the way I see it, Vittoria feels her efforts of saving you isn't enough for you because you still want Nate to save you." Komento ni Louise at saka ito tumayo dala dala ang kanyang kape. Pupuntahan niya si Vittoria upang kamustahin ang dalaga.

Nanatiling nakaupo si Harper at iniisip ang sinabi ni Louise. Sa isip niya, lahat ng ginawa ni Vittoria ay kanyang pinagpapasalamatan. Hindi niya kailanman naisip na walang kwenta ito para sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa dalaga. At kung gustuhin man niyang makita o makausap si Nate ay dahil lamang iyon sa gusto niyang makakuha ng sagot o impormasyon. 

Napahinga na lamang ng malalim si Harper dahil dito.

Pag akyat ni Louise ay nakita niya si Vittoria na nakasilip sa isang butas na kita ang labas ng tunnel. Pinagmamasdan ni Vittoria ang siyudad sa di kalayuan. Malalim ang kanyang iniisip. Pakiramdam niya kasi, matapos niyang gawin ang lahat para kay Harper ay hindi pa rin ito sapat para sa dalaga.

Am I not enough?

Tanong niya sa kanyang sarili. Malungkot itong huminga ng malalim. Kung tutuusin, hindi dapat siya mag expect na maa-appreciate ni Harper ang kanyang mga sakripisyo kahit pa buhay niya ang kapalit. Mahal niya si Harper at sa isip niya ay hindi siya dapat humingi ng kapalit sa mga ginawa niya para sa dalaga. Kusa niyang niligtas ito at patuloy pa ring inililigtas. Sariling desisyon niya ito at hindi ito hiniling ni Harper.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon