1

1.2K 42 1
                                    

"You won't beat me." Sabi ng dalaga habang tumatakbo at makaraa'y nilagpasan ang lalaking kanyang kasabay tumakbo.

Nakangiti ang dalaga na tila ay nagtagumpay sa kaniyang pakay. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay nagulat ito ng malagpasan siya ng lalaking kanyang iniwan kani-kanina lamang.

"What the..." ang tanging nasabi ng dalaga ng magpaalam sa kaniya ang lalaki at patuloy itong tumakbo papalayo sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating din ang dalaga sa kanilang tagpuan ng lalaki. Nakita niyang umiinom ang lalaki ng tubig na para bang hindi ito napagod sa pagtakbo kanina.

Nang makalapit ang dalaga sa lalaki ay agad itong napayuko at napahawak sa magkabilang tuhod dahil sa labis na pagod.

Humarap ang lalaki dito at saka tumawa ng bahagya. Napailing ito at inabutan ng tubig ang dalaga.

"Kahit kailan anak, hinding hindi mo ako matatalo." Natatawang sabi ng lalaki sa dalaga.

Napa-pout ang dalaga sa sinabi ng kaniyang ama at saka kinuha ang bote ng tubig na inabot nito kanina. Binuksan nya ang takip ng bote at saka ito uminom.

"I thought...I thought I'll beat you this time." Sabi ng dalaga matapos uminom ng tubig at saka nameywang.

Natawa ang kanyang ama at hinagisan niya ang anak ng kulay pink na towel. Agad naman itong nasalo ng dalaga at saka ipinamunas ito sa pawis.

"Matagal ko ng sinasabi sayo, kung sumasama ka sakin sa training tulad ng dati, panigurado, matatalo mo ako." Pahiwatig ng lalaki sa dalaga at saka ito tinapik sa balikat.

Napa-buntong hininga ang dalaga at magsasalita na sana ngunit naunahan siya ng kanyang ama.

"Don't worry, Vittoria, sinasabi ko lang na di mo ko matatalo kahit kailan." Mapang-asar na sabi ng kanyang ama sa dalaga at saka ito ngumiti ng mapanukso.

"Matatalo din kita one day, pa." Puno ng kumpyansang sabi ng dalaga sa kanyang ama.

Napangiti ang lalaki sa sinabi ng kanyang anak. Alam niya sa kanyang sarili na punong puno ng dedikasyon ang kanyang anak sa sarili niyang pamamaraan.

Masayang nagku-kwentuhan ang mag-ama habang nagpapahinga sa isang bench sa parke nang makatanggap ang ama ng isang tawag sa telepono.

"Malkov." Sabi ng kanyang ama at sumeryoso ang masayang mukha nito habang nakikinig sa kanyang kausap. Titig na titig lamang si Vittoria sa kanyang ama at mukhang nahulaan na nito ang pinaguusapan nila ng kanyang kausap sa kabilang linya.

"Understood. Send me the details." Sabi ng lalaki at napatango pa ito na akala mo ay nakikita siya ng kanyang kausap. Maya maya pa ay ibinaba na nito ang tawag at saka napabuntong hininga.

Tumingin ang lalaki sa kanyang anak at saka napangiti ito na may halong kalungkutan.

"Duty calls?" Sabi ni Vittoria sa kanyang ama at tumango naman ang lalaki bilang sagot. Ngumiti ang dalaga sa kanyang ama at saka nagsalita. "Go get 'em tiger!"

Ngumiti ang lalaki at saka nito niyakap ang kanyang kaisa isang anak.

----------

"Malkov!" Masayang sigaw ng isang lalaki kay Mr. Malkov habang papalapit ito sa lalaki.

"Mr. President." Tumango at ngumiti si Malkov sa presidente nang makalapit ito at sabay na nagkamayan ang dalawang lalaki.

"I'm so glad you can make it, Bryan." Sabi ng presidente at niyakap pa nito si Malkov. Kitang kita sa mukha ng presidente ang saya na makakasama nyang muli ang pinakamagaling at pinakamapagkakatiwalaan niyang bodyguard.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon