2

506 30 2
                                    

Ngilid sa kaalaman ni Malkov ay magkasunod lamang ang flight nila ng kaniyang anak na si Vittoria patungong Estados Unidos.

Nang makarating kahapon ng umaga si Malkov ay siyang dating naman ng kaniyang anak kinabukasan. Gusto kasi sanang surpresahin ni Vittoria ang ama kapag nakauwi ito galing ng London.

Kasalukuyang nasa cheap hotel si Vittoria at nagaayos ng gamit. Nakabukas lamang ang tv at hindi niya ito pinapansin dahil abala ito sa kaniyang mga gamit. Hinahanap kasi niya ang kaniyang isang wallet kung saan nandon ang iba pa niyang inipong pera ng ilang taon. Pinapalit niya ito bago siya umalis ng Pilipinas upang magamit niya dito sa Amerika.

Nang makita niya ito ay agad niyang binuksan upang tignan kung nandoon pa ang mga pera. Nakasanayan na niya ito kahit alam niyang wala namang ibang gagalaw nito.

Pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang litrato nilang mag ama. Bata pa siya doon at maging ang kanyang ama ay bata pa at payat payat. Hindi nga niya lubos maisip na magiging secret service agent ito at lalaki ng bahagya ang katawan ng kanyang ama. Okay na din siya dito kasi makisig ang dating ng kaniyang ama mula ng maging agent ito. Masaya sila sa litrato at may hawak hawak pa siyang maliit na teddy bear. Ito ang pinaka paborito niyang regalo ng kaniyang ina bago pa ito mamatay.

Napangiti si Vittoria ng maalala ang kaniyang pamilya dahil sa litrato. Naiisip tuloy niyang sana ay buhay pa ang kaniyang ina.

Biglang nawala ang ngiti ni Vittoria ng may marinig siyang balita mula sa flash news ng CNN.

~reported dead...There are no news yet if the president of our country is still alive...The government of England now announced that the entire country is in the state of emergency...~

Parang nabingi si Vittoria sa nabalitaan. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod at sumama ang kaniyang pakiramdam. Pakiramdam niya para siyang mamamatay sa nabalitaan.

"Papa..." Nangilid ang kaniyang luha dahil sa takot na baka kasama ang kaniyang ama sa napabalitang namatay.

Makalipas ang isang oras ng pag iyak dahil wala din siyang magawa ay nagpunas ng luha si Vittoria. Desidido siyang pupunta siya sa White House para makibalita. Alam niyang mahigpit doon at paniguradong hindi siya makakapasok ng basta basta pero gagawin niya ang lahat upang malaman kung buhay pa ang kaniyang ama.

Dala ang maliit na backpack ay lumabas si Vittoria ng kwartong kaniyang tinutuluyan. Binati siya ng mayandang babaeng nasa maliit na front desk at tumango naman ito bilang paggalang.

Hindi niya alam kung saang eksaktong lugar ang White House pero sabi niya sa kaniyang sarili ay bahala na.

Dumaan siya sa isang conveniencestore at bumili ng mapa. Tinuruan kasi siya dati ng kaniyang ama kung paano magbasa ng mapa. Hindi niya kasi magamit ang kaniyang smart phone dahil kailangan niya ang baterya nito kung sakali mang tawagan siya ng kaniyang ama o ng kahit na sino.

Paglabas niya ng tindahan ay agad niyang binuklat ang mapa. Nakita niya ang kaniyang pakay at sinimulan na niyang sundan ang sinasabi sa mapa.

Hawak ang mapa ay patuloy siyang naglalakad. Wala din kasi siyang masakyang taxi dahil karamihan ay may sakay na. Bukod pa doon ay nagtitipid din siya dahil limitado lang ang kaniyang budget. At kasabay ng paglakad ay dala dala niya ang mabigat na loob. Tuwing maiisip niyang patay na ang kaniyang ama ay kunikirot ang kaniyang puso at parang gusto na lang din niyang mamatay. Ito na lamang kasi ang natitira niyang kapamilya. At ayaw niya itong mawala dahil mahal na mahal niya ang kaniyang ama.

-----

"and this is what Einstein would have said." Sabi ng propesor at nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakikinig sa kaniya.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon