12

66 5 0
                                    

Biglang bumulagta sa sahig ang lalaking sumasakal kay Vittoria at kasabay nito ay ang alingawngaw ng putok ng isang baril. Bumagsak ang lalaki sa sahig kasama si Vittoria na ngayon ay naghahabol ng hininga. Akala kasi nito ay mamamatay na siya.

Maya maya pa ay nagulat ang dalaga ng biglang may humawak sa kanya. Nlingon niya ito at ng luminaw ang kanyang paningin ay kita niya ang nagaalalang si Harper na kalalapag lamang ng umuusok pang baril sa sahig.

"Are you okay?!" Nagaalalang tanong ni Harper sa dalaga at tumango naman ito. Naupo si Vittoria habang humahangos pa rin sa pagod at pag habol ng hininga.

Nagulat ito ng bigla siyang sunggaban ng yakap ni Harper at humihikbi pa ito. Ng maka recover si Vittoria ay napangiti na lamang ito at gumanti ng yakap sa dalaga.

"It's okay. I'm okay now. Thank you." Pag alo nito kay Harper habang hinahaplos nito ang likod ng dalaga.

"C'mon. We need to go. We can't stay here any longer." Mariing sabi ni Louise at tumango naman ang dalawa dito.

Pag tayo ni Vittoria ay napansin ni Harper ang pulang likidong nakabakat sa damit ni Vittoria na sya namang ikinagulat nito.

"You're bleeding!" Nagaalalang sigaw nito at napatingin naman si Vittoria sa kanyang tiyan.

"Yea. He punched me here and it hurts as fuck." Natatawang sabi ni Vittoria habang nakahawak sa kanyang tagiliran. 

"You dress her wound quickly, Harper. I'll get our things." Utos ni Louise sa dalaga at saka ito umalis sa kwarto. Nagtungo naman ang dalawa sa kusina at napansin ni Vittoria ang lalaking nakahundusay sa gilid ng lumang counter.

Agad na kumuha ng malinis na towel si Harper kasama ng isang bowl at nilagyan niya ito ng tubig. Lumapit si Vittoria sa may bintana upang matamaan siya ng liwanag mula sa labas at para na rin makita ni Vittoria ang kanyang sugat upang malinis ito ni Harper. Iniangat ni Vittoria ang kanyang T-shirt upang malinisan ni Harper ang kanyang sugat. Napangiwi ito dahil sa itsura ng kanyang tagiliran at dahil na rin sa sakit na nagmumula rito.

Nang makalapit si Harper sa dalaga ay napakagat ito ng labi dahil nagi-guilty na naman siya na dumugong muli ang sugat ni Vittoria dahil sa mga lalaking humahanap sa kanya. Napansin ito ni Vittoria at nahabag ang loob nito dahil nakita niyang malungkot si Harper.

"Hey... it's okay. I'm okay babe." Malambing na sabi ni Vittoria sa dalaga na siya namang ikinagulat ni Harper. Hindi kasi niya inaasahang tatawagin siyang babe ni Vittoria. Mabuti na lamang at medyo madilim dito at tanging liwanag lang mula sa labas ng bintana ang mayroon, kaya naman hindi mapapansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Hinawakan ni Vittoria ang kamay ni Harper matapos ibaba ni Harper ang bowl sa counter. "Don't think too much about it. What's important is I'm okay because you saved me, again." Nakangiting sabi ni Vittoria sa dalaga.

Hindi napigilan ni Harper na bigyan ng halik si Vittoria sa mga labi nito. Nabigla si Vittoria dahil hindi niya ito inaasahan ngunit gumanti ito ng halik sa dalaga.

Matapos nito ay sinimulan ng linisin ni Harper ang palgid ng sugat. Nilagyan niya ng disinfectant ang sugat at matapos nito ay nilagyan nya ito ng gasa.

Umalis si Harper upang kumuha ng damit ni Vittoria. Puro dugo kasi ang damit ng dalaga at hindi ito maganda kapag may mga sibilyang makakita dito.

Dala ang mga gamit nila, kasama ang ilang baril at bala, ay umalis na ang tatlong dalaga sa cabin ni Louise. Mabigat ang loob ni Louise na nilisan nya ang kanyang bahay ngunit inisip nito na hindi na safe kung mananatili pa sila doon. Isa pa, kailangan ng tulong ng dalawang dalagang ito at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung pababayaan nya ang mga ito. Sa ilang araw kasing magkasama silang tatlo ay napamahal na ito sa kanya. Pakiramdam niya kasi bigla siyang nagkaroon ng mga kapatid.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon