6

380 28 2
                                    

"Where is he?" Tanong ni Vittoria kay Harper habang nasa isang public library sila.

Minabuti nilang dito muna magpunta dahil wala na silang maisip na ligtas na lugar na pwede nilang puntahan. Parang kahit saan kasi sila magpunta ay nasusundan sila ng mga kalaban.

"He's coming. Just chill okay? He said he's on his way." Naiiritang sabi ni Harper. Pareho silang maikli ang pasensya. Magkaiba ang ugali ngunit parehong maikli ang pasensya.

"He's late you know." Iritableng sabi ni Vittoria. Ayaw pa naman kasi niya sa lahat ay iyong pinaghihintay siya.

"If you can't wait any longer...just leave." Masungit na sabi ng dalaga at saka tinignan ang telepono nito. Napataas ang kilay ni Vittoria sa sinabi ng dalaga. Sa loob loob nito ay gusto na niya itong iwan dahil sa ugali nito.

"You really want me to do that?" Sarkastikong tanong nito sa babae. Ngunit imbis na sumagot ay inikutan lang ito ng mata at saka tumingin sa gawi ng hagdanan.

Kasalukuyan silang nasa ikalawang palapag ng library dahil mas kaunti lang ang tao dito. Karaniwang nagbabasa dito ay mga gumagawa ng thesis at gusto ng katahimikan at privacy. Sa ibabang palapag kasi ay medyo may ingay dahil sa mga printer na lumilikha ng ingay dahil sa kalumaan nito. May mga batang tinuturuan ng isang guro habang wala ang kanilang mga magulang. Kaya kahit sabihing library ito ay dahil hindi na masyadong ginagamit ito ay ganito na ang gawain sa loob ng silid aklatan.

"He's here!" Masayang sabi ni Harper ng nakitang paakyat ng hagdan ang isang lalaki. Nakasuot ito ng hoodie at pantalon at puting kicks.

Nang mapatingin si Vittoria dito ay napa-ismid ito. Akala mo naman gwapo. Sabi nito sa kanyang isipan.

Lumapit ang lalaki kay Harper at tumayo naman ang dalaga at yumakap dito. Lalong napa-ismid si Vittoria sa kanyang nakita.

"Thank God you're safe! I was so worried! Everyone's looking for you." Sabi nito kay Harper at nalungkot ang dalaga.

"I know. Some men are trying to kidnap me. I don't know why and---

"Hey...hey...calm down." Sabi ni Nate sa dalaga at saka ito niyakap muli. Napaikot ng mata si Vittoria dahil sa nakita.

Matapos magyakapan ng dalawa ay pinakilala ni Harper ang lalaki kay Vittoria.

"Nate, this is Vittoria, she's the one who's helped me since...you know. Vittoria, this is Nate. He's the guy I'm talking about earlier." Pakilala ni Harper sa dalawa.

"Nice to meet you..." Inilahad ni Nate ang kanyang kamay ngunit tinitigan lamang siya ni Vittoria. Nang mapansin mg lalaki na hindi siya kakamayan ng dalaga ay agad niya itong binawi at saka na lamang nagsalitang muli.

"Thank you for taking care of Harper. I'll take it from here." Nakangiting sabi ng lalaki at nagpantig ang tenga ni Vittoria. Parang may mali dito. Sabi niya sa kanyang isipan.

"No. Wait. She needs to go with me." Biglang sabi ni Harper ng marinig ang sinabi ng lalaki.

"Why Harper? She's done her job and I need to do mine now." Sabi ni Nate at walang kaide-ideya ang dalaga sa sinasabi ng lalaki. Samantalang si Vittoria ay may masama ng kutob dito.

"And what job is that?" Seryosong tanong ni Vittoria at nagkatitigan sila ng lalaki. Pawang hindi magpapatalo sa isa't isa.

"To take care of her. What else?" Seryoso ding sabi ni Nate at napa-ngisi pa ito sa dalaga. Dahil dito ay lalong napikon si Vittoria dahil nayayabangan siya dito.

Naramdaman ni Harper ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya pumagitna na ito bago pa man sila mag sapakan.

"Calm down you two! Please! I'm...I'm tired...I'm scared. I just want to get away from all this." Frustrated na sabi ng dalaga sa dalawa. At saka nila narinig ang sitsit ng librarian. Nanahimik tuloy silang tatlo.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon