Mga kababayan.
Isa pa po ata ito sa mga idadagdag niyo sa listahan ninyong ‘WALANG KA-KWENTA-KWENTANG UPDATE’
HAHA. Pasensya na po. Gusto kop o kasi may mabasa na kayo e.
HAHAHA. You can judge the story but hopefully, not me.
--------------------------------------------------------------------------
Twenty Fourth Beat:
[The Realization+The Whole New Plan= <3]
Kyle’s POV
[[a/n: refer to chapter twenty of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]
Umuwi ako nang nanlulumo.
Sobra akong nasaktan sa ginawa ko. Alam ko kasing doble ng sakit na nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Pero, ano nga bang magagawa ko? Iyun lang ang natatanging paraan para lagi akong nasa tabi niya. Para hindi siya mawala sa akin.
Pag-uwi ko… tulog na si Mama. Pumunta agad ako sa may phone.
“hello?”
“marj?”
“Oh? Bakit?”
“Pwede ka bang pumunta dito?”
“Uy… K-Kyle. Ano? Umiiyak ka ba?”
“please? Bring Chris. I got something to tell you.”
“Ha? Ah—oo. Oo pupunta na kami.”
Nagmamadali atang binaba ni Marj yung phone. Matapos kong tumawag… wala na. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Bumagsak na sila. Parang walang tigil. Parang walang katapusan. Gusto kong tumigil pero walang akong maisip na paraan kung pano ko gagawin yun.
“Uy, Kyle. Ano? Anong nangyari sa’yo?”
Natuwa ako ng kaunti nung nakita kong dumating si Marj. Hindi siya galit? Napatawad na ba niya ako?
Lumapit ako sa kanya.
“hindi ka galit?”
BINABASA MO ANG
548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)
Novela JuvenilSo, in the end, I realized, I cannot create a Part 2. Dapat original writer niya an gagawa ^_____________^ Kaya, Version 2.0 na lang. Papakilala ko si Kyle at ang kayang Point of View. So, may scene din ng kasal and other stuff kaya, hahaha. Version...