Thirty Second Beat:
[Distance]
Kyle’s POV
[[a/n: refer to chapter twenty eight of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]
“Chris, pwede ba kitang tanungin?”
Nandito kaming tatlo nila Marj ngayon sa garden namin.
“Ano ‘yun? Oyy! Marj naman! Gago muu! Talo ka na.”
“Ugok! Talo mo, tama naman ako ng tira aa? Asan ang talo?”
“Ayan oh! Tama na nga ‘yan, ang daya mo. Sasapakin lang kita niyan.” Napatigil sila sa pag-aaway nang maalalang nagsalita ako.
“Oh, Kyle, ano ba ‘yun? Sorry, daya kasi nito e.”
“Ah. Ayos lang, madaya naman kasi talaga ‘yang si Marj.”
“Madaya lang ako, pero hindi ako nananakit ng damdamin ng ibang tao.” Nililigpit na ni Marj ‘yung pinaglalaruan nilang dalawa ni Chris kanina.
“Oo. Tama ka, Marj. Mapapatawad niyo pa ba ako? Kahit kayo lang, may karapatang magalit sa’kin nang panghabang buhay si Xei. Alam ko kasi kung ga’no ko siyang nasasaktan e.”
“’TADO! Kami din. May karapatang magalit nang pang-habang buhay. Ginagamit mo pa kami sa katangahan mo.” Itinaas ni Marj ‘yung paa niya sa mesa.
“OO nga pala, no?” napayuko ako. “Sana pala mapatawad niyo ‘ko”
“Ano nga pala ‘yung itatanong mo, Kyle?” nabanggit ulit ni Chris habang kinikiliti ‘yung paa ni Marj.
“P’re, nililigawan mo na ba si Xei?” diretso akong tumingin kay Chris.
“Hmm..” Napangisi si Chris sa tanong ko. He laughed bitterly. “pare, alam mo, kung ako lang ang mahal ni Xei? Malamang akin na ‘yun ngayon. Malamang maligaya na kaming magkasama. Kaso, hindi niya mailisya pagmamahal niya para bumangga na lang sa puso ko ee. Alam mo ‘yung nasa sa’yo pa din siya kahit hindi niya na kinakaya lahat?”
“A-anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.
“Tanga naman, Kyle. Ibig sabihin ni Chris, hindi niya nililigawan si Xei, kasi ayaw ni Xei na magpaligaw sa kanya.” Binatukan ako ni Marj.
“Babaguhin muna daw niya ang tibok ng puso niya, pare. Pero, eto, sinasabi ko na sa’yo ngayon pa lang, Kyle. Kapag hindi na ikaw ang gusto ni Xei, hindi ako magdadalawang isip na ligawan siya. Mahal ko na si Xei. At masyado nang matindi ‘yung sakit na naidulot mo sa kanya. Kapag hindi ka na niya mahal, sasapakin kita, kapag bumalik ka pa at nagpumilit. Usapang lalaki ‘to, Pare.”
“Usapang lalaki.” Nagfist bump kami ni Chris.
Dun. Dun na pumasok sa isip ko ‘yung idea nab aka magsawa na si Xei sa’kin. Malapit na.
“Recital na daw bukas, Kyle.”
“Ang bilis naman.” Kausap ko si Chris ngayon, as usual, siya nagbabalita sa’kin ng kung anong pinagsasabi ng teacher naming sa harap. Lagi naman akong hindi nakikinig. Masyado akong balanag magplano ng kalahati ng buhay ko.
“Eh, nagmamadali ata si Ma’am. Baka magpapakasal na.” nagtawanan na lang kami ni Chris. “wala ka bang balak puntahan girlfriend mo ngayon?”
“Nak ka ng tatay mo, Chris. Alam mong kapag tayong dalawa ang magkasama, hindi ko girlfriend si Rai.” Naglabas ako ng papel at ballpen.
“Alam mo, isa’t kalahating gago ka talaga. Dalawang babae pa sasaktan mo.” Inaayos na ni Chris ‘yung bag niya.
BINABASA MO ANG
548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)
Genç KurguSo, in the end, I realized, I cannot create a Part 2. Dapat original writer niya an gagawa ^_____________^ Kaya, Version 2.0 na lang. Papakilala ko si Kyle at ang kayang Point of View. So, may scene din ng kasal and other stuff kaya, hahaha. Version...