Thirtieth Beat: [Badly Broken]

1.4K 20 14
                                    

Twenty Nineth Beat:

[Badly Broken]

Kyle’s POV

[[a/n: refer to chapter twenty six of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]

Wasak man ang puso ko ngayon, alam kong kasalanan ko 'to. Wala akong ginawang kahit ano para hindi mangyari lahat 'to. Para hindi ako nakakasakit, at hindi ako nasasaktan.

Pilit na hinanap ng mata ko si Xei sa gitna ng ulan. Madilim pero, pinilit ko. Sa isang banda ng sidewalk, nandun si Xei.

"Xei..." gusto kong lumapit sa kanya, pero may pumipigil sa mga paa ko. May humihila padikit sa lupa. Humihila paatras. Meron ding pumipigil sa'kin na isigaw 'yung pangalan niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nasasaktan pa din ako at naga-alala ako na baka kinakamuhian na niya 'ko ngayon. Baka galit siya sa'kin. Baka sampalin niya 'ko.

Nasaktan ko siya. Alam ko.

Umupo ako sa spot kung saan ako nakatayo kanina. Tinitigan ko 'yung payong na gusto kong ipangsukob sa kanya. Isa akong malaking duwag. Wala man lang akong ginawang tama para hindi siya mawala sa'kin. Para hindi ko siya masaktan.

"P*cha ka Kyle. NAPAKADUWAG MO! G*AGO KA, KYLE! G*GO KA!"

Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. "Mahal kita, Xei." Sinabi ko 'yun, kasabay ng kidlat. Hindi ko alam kung pati 'yung ulan na 'to e, nananadya.

"Alam ko nandun si X--- Kyle?!" Biglang lumabas mula sa dilim sila Marj. Pati sila, may dalang payong.

"Oh, Kyle, bakit nandito ka? Siraulo ka, hindi mo dinalhan ng payong si XEI?! Akala naman namin nadalan mo na. Kanina pa basang basa dun 'yun."

"Sige pare, kami na lang magdadala" binuksan ni Chris 'yung isa pa'ng payong. "XE------"

Hinarangan ko ng braso ko 'yung tiyan ni Chris para mapigilan siya. Ngayon lang ako gagawa ng isang bagay na tama at gusto ko.

"Pre, ako na." tumayo ako.

“Xeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Hindi ko alam kung narinig niya 'yung sigaw ko dahil kasabay 'yun ng pagkulog.

“Kyle?”

Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing binabanggit ni Xei 'yung pangalan ko, nawawala 'yung sakit. Nawawala lahat ng sakit. Gusto kong ngumiti ulit. Pero, LOKO TALAGA 'TONG BABAENG 'TO.

“Sira ulo ka!!! Bat ka nagpaulan?!?!”

Nakakagaan ng loob makita si Xei. Nawawala lahat ng sakit.

“umalis ka na nga.”

“tingnan mo basang basa ka oh!”

Lumapit ako sa kanya para payungan siya. Habang hawak ko ang isa pang payong na gusto kong ipabaon sa kanya sa paguwi niya. Pero,

“itabi mo na nga yan.”

“yung alin?”

“yung payong.”

“ha?!”

“yung payong.”

“bakit?! Magkakasakit ka niyan!”

“tabi mo na!”

“Baliw ka pala eh. Tingnan mong basang basa ka na—“

“yun nga eh. Ikaw ang baliw. Kita mong basa na ko. ano pang silbi ng isang payong?”

548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon