Twenty Nineth Beat: [Worst Night Part 1]

1.9K 24 14
                                    

Twenty Eighth Beat:

[Worst Night Part 1]

Kyle’s POV

[[a/n: refer to chapter twenty five of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]

Kabado. Kabado ako buong gabi.

Halos hindi ako makatulog dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko nang umurong sa lahat ng ito. Gusto ko nang aminin na lang kay Xei na siya naman talaga ang mahal ko, at tatanggapin ko na lang na dadalhin ako sa ibang lugar ng Nanay ko. Tama. Tama, ‘yun na lang ang gagawin ko. ‘yun na lang, kaysa manakit pa ‘ko ng dalawang babae na wala namang kamalay-malay sa lahat ng nangyayari sa akin.

Agad akong tumakbo papunta sa telepono. Tatawagan ko na si Xei.

RING.

Biglang nag-ring  ‘yung telepono. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. Baka si Xei. Oo nga, tama. Baka si Xei nga yata ang tumatawag. Tumakbo ako, gusto kong sagutin agad ang telepono.

“Hello…”

“Ahh. Kyle?”

“O… Rai…”

Si Rai lang pala. Biglang pumasok sa isip ko na ibaba na lang ang telepono. Wala din naman kasi akong mapapala kung sasagutin ko pa siya. Alam ko namang iimbitahan niya lang ako sa magiging pinaka-madilim na araw ng buhay ko. Ayoko. Bumabalik na naman sa dati lahat e.

“Kyle? Kyle, andyan ka pa ba?”

“Ah. Xei, e-este, Rai? Oh, ano? Napa-tawag ka ata?”

Biglang dating naman si Mama.

“Who’s that, son?”

“uhm. It’s Xei… I mean, Rai, Mom.”

“Oh really? Is she inviting you to her birthday na?”

“I guess.”

Bumalik ang atensyon ko sa tumatawag sa telepono.

“Ah. Ano ulit ‘yun, Rai?”

“Ah. I would like to remind you lang about my birthday tomorrow. Hmm. Sana maka-punta ka. Isama mo na din pala si Chris. I think magiging masaya si Xei kapag nandun si Chris.”

Hindi nga pala alam ni Rai. Nakaka-inis kapag ganito siya magsalita tungkol kay Chris at Xei. At the same time, nai-inis din ako na hindi ko naman masabi sa kanya ng harapan na ayoko sa kanya at si Xei naman talaga ang gusto ko. Paulit-ulit nab a ‘ko? Nakaka-sawa na ba ang mga pinagsasa-sabi ko? Sana magkaroon na ‘ko ng lakas ng loob na masabi na sa kanya nang harapan. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na hindi ulit-ulitin ang mga sinasabi ko.

“Ah.. Kyle? Still there?”

“Ah.. Oo. M-may sasabihin ka pa ba?”

“Uhm. Sana… so, ano nga palang plano mo bukas?”

“ha? Ah..”

Agad kong nai-baba ang telepono. Ahh.. hindi ko alam kung bakit, pero, hindi ako handa sa naging tanong ni Rai sa’kin. OA ba? Bastos ba? Ahh.. s-sorry. Hindi ko alam kung anong nagawa ko. Hmm..

“Hi, Son. So, I know it is Rai’s birthday tomorrow. What’s the plan? I bet bukas ka na----“

“Ma, can I just say something? Please. Can I just say something that is actually inside my mind? Can I do that? Listen to me, Mom.” Finally, I got the guts.

Nakita kong medyo nabigla si Mama. Alam kong ‘di niya inaasahan ang kahit na anong sinabi ko. Kilala niya kasi ako bilang kaisa-isang anak niya na puro ‘oo’ lang ang ginagawa ‘pag siya na ang kausap. Pero, palagay ko, nagtataka siya kung bakit ako ganito ngayon.

548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon