Nineth Beat: My Heart Received A Gift

5.3K 35 13
                                    

Nineth Beat:

[My Heart Received a Gift]

Kyle’s POV

[[a/n: refer to chapter five of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]

Ang dami na palang lumipas. Dumaan ang sembreak.

Kung kailan, binalak kong pumunta sa bahay nila Xei. Actually, ginawa ko. Nagpunta ako. Pero, kamalas malamasan, muntik na akong mahuli. Paputa ata dun si Rai. Buti na lang gwapo ako. Kahit anong palusot papatok!

At may factor din ata yung fact na may gusto saken to e. May pumasok ngang madilim na ideya sa utak ko e. Kaso, baka gawin ko lang yung pag desperado na ako. Pag talagang kailangang-kailangan na. Yung tipong, kailangan na talaga niyang madama at kailangan nang maging close kami.

Dumaan na rin ang Pasko at New Year. At nagpunta akong muli sa bahay nila. Kaso, inunahan na naman ako ng kaba. Torpe. Asar! >_<

At ngayon heto kami. Ang set-up. Close na sila Xei. May tawagan pa. Daddy at anak. So baling araw pala magiging daddy ko na din si Chris? Hahahaha. Ang pangit ata nun.

Pero, madalas, nakakadama ako ng selos. Sobrang selos. Grabe. Para tuloy gusto ko nang umamin. Pero, timpi. Magtimpi ka, Kyle. Ginusto mo yan.

Napadalas ang pagdalaw ni Chris sa room nila Xei, dahil saken. Dahil sa utos ko. Dahil sa AKIN! At sa katorpehan ko. Napadalas ng pagpunta niya dun na naging dahilan ng pagiging close nila. Nasasapawan na ata ako ah. Pano na ko? Pano na ang pag-diskarte ko?

Pano kung si Chris na nag magustuhan niya? Pano na ang puso ko? Pano na ako?

Lagi ko siyang hinahanap. Sa canteen. Lagi kong sinasadyang sana, magkasalubong kami. Pero, wala. Lagi niyang kasama si Chris.

“Sige na, pre. Ayain mo na siya umuwi.”

Tinutulak ko si Chris sa kasalukuyan.

“Pare, nakakapagod maghatid nang araw araw no. ikaw na kale.”

“Sige na pare, ayan na siya. Bahala ka na. lumapit ka na.”

“Sige na nga. Pero sa susunod ikaw na ha?”

“Oo oo. Basta ikaw muna ngayon.”

Naglakad na din si Chris.

Oo. Pinapahatid ko si Xei kay Chris araw araw. Idea ko yun. Akin. Pero, iba ang gumagawa. Wala akong kwenta diba? Astig. -.- nandito ako ngayon sa room. Sa bintanang malapit sa labas. Dinig ko ang usapan nila.

“Xei-xei…”

Lumapit na si Chris.

“O… daddy.”

Sana saken din may tawag siya. Pero, honey. At siya ang aking bee.

“Halika na. Uwi na tayo.”

Ako dapat yun. Kung di lang ako nuknukan ng torpe.

“Uhm… sige mauna ka na. Diba may party ka pang pupuntahan?”

Ha? Hindi siya sasabay? Hindi maaari! Hindi pwede!

“Hindi naman pwedeng iwan kita dito.”

“Bakit hindi pwede?”

Kasi, sinabi ko. Kasi, ayoko. Baka mamaya may mangyari pa sa’yo.

“Uh… kasi… kasi anak kita. Hindi iniiwan ng daddy ang anak niya.”

“Sige na… please? Okay lang talaga. Medyo madami kasi kaming assignment ngayon.”

548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon