Chapter 7 // Dealing with the x words
SUJI'S POV
Puti. 'Yan ang sumalubong sa'kin, kinuha na ba talaga ako ng heaven dahil alam na din nilang hindi ko kaya?
May humampas na malamig na hangin sa pisngi ko, Inikot ko ang mata ko. Nasa Heaven nga ulit ako.
"Suji..." Napalingon ako, si sister Angelu.
"'Wag mong hayaang pang-hinaan ka ng loob. Magtiwala ka sa sarili mo at sa Ama, kaya mo'to. Hindi niya tayo ilalagay sa isang sitwasyon na hindi natin kaya. Mas kilala niya tayo." Sabi ni Sister Angelu.
Magsasalita pa sana ako ng unti-unting nawala si sister Angelu at nawala ang mga puting ulap.
Minulat ko ang mata ko nasa puting kwarto ako, nasa clinic ako.
"Gising ka na din sa wakas!" Tumayo ako at nakita ko si ate Madie.
"Nag-collapse ba ulit ako, ate?" Tumango naman siya habang tumatawa.
"Anong nangyari, Suji? Bakit nasa boy's cr ka?"
Kumabog nanaman ang dibdib ko ng maalala ko kung gano kagalit si Kiel, kung pano siya magsalita. Yung mata niya na puro galit.
"Hindi ko din alam ate." Malamya kong sagot.
"Sigurado ka ba? Namumutla ka. Teka, may pagkain ako dito." Pumunta siya sa table niya at inabot sa'kin ang isang tray na may pagkain, "Dinala ng canteen 'yan dito kaninang lunch, hindi ko nakain kasi diet ako e."
"Hindi ate, okay lang ako."
"I insist. Kumain ka, kailangan mo. Past lunch na."
Kinain ko na 'yung pagkain na binigay ni ate. "Umuwi ka na muna kaya? Mukha kang stress. Okay ka lang ba talaga?" Tumango ako.
"Kahit okay ka, mabuting umuwi ka muna. Baka mamaya mag-collapse ka nanaman."
Paano si Kiel? Paano ko siya kakausapin ulit? Baka sigawan niya nanaman ako, natatakot ako.
BINABASA MO ANG
My Naughty Fallen Angel // Fin.
Teen FictionMeet Suji, the Angel. Pinagbagsak sa lupa para sa isang misyon, ang baguhin ang magulong buhay ni Kiel. Will she make it if she'll be dealing with a heartless cold monster? // currently revising but chapter 1 to 12 is ready :)