Chapter 8 // First Glitters

3.4K 105 15
                                    

Chapter 8 // First Glitters


SUJI'S POV



"Tumahimik ka nga. Utang na loob." Sabi sa'kin ni Kiel na nasa tabi ko. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa S.A.



"Okay!" Sabi ko sabay zip pa ng mouth gesture. "Teka may sasabihin pala ako!" Sabi ko at kinuha ko sa bag ko ang isang maliit na bote na pendant ng isang kwintas.



"Looky looky! Nakikita mo ba'to?" Sabi ko at winagayway ko 'yung kwintas na may maliit na bote. Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang diretsong nakatingin sa daan at naka-pamulsa.



Pumunta ako sa harap niya kaya tumigil siya at tinignan ako. "Nakikita mo na?" Sabi ko sabay ngiti.



"Tangㅡ"



"Sige ituloy mo 'yan. Ten pesos ulit." Sabi ko habang may ngiti sa mukha.



"Tss. Tabi." Hahaha pikon. Hinawi niya nanaman ako papunta sa gilid.



"Ito ang magiging basehan natin sa mga good deeds mo." Pagpapaliwanag ko, "kada-gawa mo ng good deeds ay magkakaroon ito ng gold na glitters sa loob." Tumingin ako kay Kiel, "at once na mapuno ito, tapos ko na ang misyon ko!" Pero wala no comment. Hay.



Nakarating na nga kami sa S.A. Agad ko namang hinawakan ang bag niya.



Nilingon niya naman ako, "anong trip mo?" Sabi niya.



"Baka kung saan ka nanaman pumunta e."



"Tsk. Bitaw."



"No. Ayaw ko." Sabi ko at umiling pa.



"Putanginang buhay." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko sabay hampas sakanya at nilahad ang kamay ko.



"Ten pesos."



"Tangina, tanginang buhay!" Frustrated na sabi niya.



"Thirty pesos." Gumalaw siya kaya napabitaw ako sa bag niya.


My Naughty Fallen Angel // Fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon