Chapter 4 // Angel

4K 101 9
                                    

Chapter 4 // Angel


KIEL'S POV



Pinunasan ko ang labi ko at humarap sa salamin.



"Tara na mag-lunch!" Sigaw ni Oliver.



"Teka lang." Nilinis ko 'yung labi kong may konti pang dugo atsaka lumabas ng cr.



Talagang ginagalit ako ng mga 'yun. Tangina, nanahimik ako tapos biglang manunugod? Tss.



"Oh tabi-tabi!" Sabi ni Chris habang winawagayway pa 'yung kamay niya.



"Paharang-harang oh." Sabi naman ni Henry habang kumakain ng bubble gum kasama si Jan.



"Pare, singit muna ako ah?" Sabi naman ni Oliver sa estudyanteng nasa harap niya.



Mga gago talaga, patay gutom. Nauna na ako sa table kasama si Red at Alex.



"Galing ka sa clinic diba?" Tumango ako sa tanong ni Alex.



"Edi nakita mo 'yung babaeng maganda daw?" Biglang sumulpot yung apat na may dalang tray.



"Sino? Si ate?"



"Tanga, hindi si ate Madie!" Sabi ni Oliver at umupo sa tabi ko.



"Sino ba kasi?!" Irita kong tanong.



"Ayun pala oh!" Sabay turo ni Jan sa di kalayuan, lumingon naman kami at may kasama si Ate na babaeng naka-puti at medyo kulot yung buhok.



"Maganda pala talaga." Sabi ni Chris.



Andami pa nilang sinasabi pero hinayaan ko na, nagugutom na'ko.



- - - - -



"Una na kami, bye!" Sigaw ni Chris tsaka kami naghiwa-hiwalay.



Magsi-six na pero andito ako pauwi palang, medyo madilim na din. May dinaanan pa kasi kami at syempre kumain.


My Naughty Fallen Angel // Fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon