Chapter 5 // Hope
SUJI'S POV
Nanatili ako sa labas ng gate nina Kiel, aba si Suji Mikael Santiago ata 'to! Hindi basta-basta sumusuko!
Nabilang ko na ang lahat ng bato dito sa labas ng gate nila pero wala pa rin, "HOY KIEL!" Tawag ko sakanya mula sa bintana pero wala.
Inilahad ko ang palad ko, uulan pa ata. At hindi nga ako nagkamali, umulan nga. Basang-basa na ako dito, yakap-yakap ko ang sarili ko dahil sobrang lamig.
Basa man ako at patuloy sa pagbagsak ang ulan, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko, "ano ba 'yan Suji! Ngayon ka pa ba susuko? Kayang-kaya mo 'to!" Humahagulgol kong sabi habang patawa-tawa.
Kaya ba 'yung iba eh hindi nakakabalik sa Heaven eh dahil hindi sila nagtagumpay sa mission nila? Ganon narin ba ang mangyayari sa'kin? Hindi rin ba ako magtatagumpay at hindi na ulit makakabalik sa Heaven?
Napatigil ako sa pag-iyak ng may pares ng paa ang lumitaw sa harap ko, tumigil din ang pagtulo ng ulan sa'kin. "Naka-drugs ka ba talaga? Ano ba talagang trip mo?" Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.
Tumayo ako agad at niyakap siya, "sabi na nga ba eh, mabait ka pa din. May kabutihan pa din diyan sa puso mo."
Naramdaman ko naman ang kamay niya na tinatanggal ang yakap ko, "Tsk, binasa mo pa'ko!"
"Hehe, sorry." Sabi ko sabay peace sign. "Thank you!" Sabi ko at nagumpisa ng maglakad pero hinila niya ako pabalik, "miss mo na'ko agad?" Pinitik niya naman yung noo ko, "aray!"
"Tsk." Sabi niya, binehlatan ko lang siya at hinimas yung noo ko.
"Kiel, pumasok na kayo ng kaibigan mo dito. Lumalakas na ang ulan."
"Tara na."
"Wait, papatirahin niyo 'ko sainyo?" Sambit ko, actually hindi ko talaga alam kung san ako pupunta mabuti na lang mabait itong si Kiel.
Imbis na sagutin niya ako ay nag-umpisa na siyang maglakad kaya tumabi lang ako sakanya para sumilong sa payong na dala niya.
"Woooh, ang lamiiiig." Pumasok na kami sa gate nila at pagpasok namin sa pinto ng bahay nila ay agad kaming inabutan ni Kiel ng isang lola ng dalawang tuwalya.
"Mag-bihis ka na sa taas Kiel, ako ng bahala dito sa kaibigan mo." Umakyat naman si Kiel at naiwan ako dito.
"Teka, hija kukuha lang ako ng pampalit mo." Umalis naman si Lola at naiwan ako sa salas na nakatayo at nakabalot ng tuwalya.
"Pasensya ka na dito ha? Ito na lang kasi ang naiwang damit ng anak ko nung nagbakasyon siya dito." Inabot sakin ni Lola ang isang set ng pampalit na damit.
"Salamat po! Ako nga po pala si Suji." Pakilala ko.
"Ako naman si Lola Lily. Andun sa kaliwa 'yung banyo."
"Sige po, salamat."
Na-ligo na ako at nagpalit ng damit, pagtapos ko ay lumabas na ako, narinig ko naman si Lola Lily at Kiel na naguusap.
"Kaibigan ko po 'yun, Lola. Dito na muna po siya papatuluyin kasi wala po siyang ibang mapuntahan."
"Ah ganun ba? O siya sige, sa kwarto ko na lang papatulugin."
Lumabas na ako at nakita ako ni Kiel, si Lola naman dumiretso sa kusina.
"Oh." Sabay hagis niya sakin ng dalawang unan at kumot.
Napangiti ako, "salamat talaga Kiel. Promise pag tapos nito, aalis na talaga ako!"
Hindi niya ako pinansin at umakyat na lamang agad sa taas.
Kung kanina eh natatakot ako na baka hindi ako magtagumpay sa Mission ko, ngayon hindi na. Kasi, alam kong hindi magiging mahirap ang mission ko kay Kiel, may kabutihan pa siya sa puso, alam ko 'yon, naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
My Naughty Fallen Angel // Fin.
Roman pour AdolescentsMeet Suji, the Angel. Pinagbagsak sa lupa para sa isang misyon, ang baguhin ang magulong buhay ni Kiel. Will she make it if she'll be dealing with a heartless cold monster? // currently revising but chapter 1 to 12 is ready :)