Chapter 11 // Wish List

3.2K 97 23
                                    

Chapter 11 // Wish List


SUJI'S POV


"Kiel, nagugutom na'ko." Tinignan niya naman ako ng masama, "joke lang, kaya ko pa pala." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.



Kasalukuyan kong tinutulungan si Kiel maghanap ng trabaho, tinanggal na kasi siya dun sa trabaho niya.



"'Bat ka tumigil?" Tumingin naman ako sa tinitignan niya.



Mang Lolit's Karinderia



"Kawawa ka naman baka mahimatay ka na dyan pag di ka kumain, tsk."



"Yehey!" Pumasok na kami sa loob, ganto pala sa karinderia.



"Anong sa'yo?" Tumingin ako sa pagkain sa harap. Ano ba, hindi ko alam 'to huhuhu. Adobo lang alam ko.



"Ikaw na bahala, hehehe. Upo na'ko." Umupo na ako at hinintay si Kiel, kinuha ko naman sa bulsa ko 'yung bote.



Waaah, ang ganda ganda talaga ng gold glitters. Dumating naman si Kiel.



"Tignan mo! twenty percent na!" Masaya kong sabi sakanya. Pero hindi niya ako pinansin at nakatingin lang sa ibang direksyon.



Nagdagadagan siguro 'to dahil sa pagco-comfort at pagtulong niya sa'kin kagabi. Hindi niya binabalewala 'yung mga taong kaya niya namang tulungan. Nagkakaroon na siya ng pake sa paligid niya. Comforting a friend.



"Ano 'yan?" Tanong ko nang ipatong na sa table namin 'yung kinakain namin.



"Bulalo." Tipid niyang sagot at nagsimula ng sumubo pero pinigilan ko siya.



"Magpasalamat muna tayo." Sabi ko at pumikit, "thank you po sa pagkain, i-bless niyo po ang food na aming kakain ngayon. Amen."



Nang mumulat ako, kumakain na si Kiel, hmp!



Kumain na din ako, woooh ang sarap! Hays, 'bat ngayon ko lang natikman 'yung mga gantong pagkain?



"Kiel," tinignan niya ako, "pede isa pang rice? Hehehe."

My Naughty Fallen Angel // Fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon