Chapter 13 // Five, Four, One.

3.2K 102 7
                                    

Chapter 13 // Five, Four, One.


SUJI'S POV


"Di ko na kaya, promise. Masakit na pwet ko." Sabi ko at bumaba mula sa bike.


"Tsk, bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Kiel at kinuha 'yung bike.


"Huy joke lang! Sige na, sige na ta-try ko ulit." Sabi ko at hinila 'yung damit niya.


Humarap naman siya at sinamaan lang ako ng tingin. Sumakay ulit ako. Ginawa ko ulit yung tinuro ni Kiel.


"Ay!" Sabi ko ng muntik nakong bumagsak.

"Bilisan mo kasi yung pag-akyat ng paa mo, sabay padyak."


"Okayyyy." Sabi ako at umayos ulit ng upo. "Kaya mo'to Suji!" Sabi ko at dahan dahan ko ulit ginawa yung tinuro ni Kiel.

"Wah, ayan na ayan naㅡ" Nakapadyak ako ng tatlo pero bigla akong na-out of balance. "Ahh!"


Bumagsak ako sa gilid. Unti-unti kong minulat 'yung mata ko at sumalubong sakin ang mukha ni Kiel.

Rinig rinig ko yung kabog ng dibdib niya. Napahawak nanaman ako sa dibdib ko, ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

Ilang segundo pa ang lumipas ng itayo ako ng maayos ni Kiel at tinignan ko siya habang tinatayo niya yung bike.


"Bukas na lang ulit." Sabi niya at naunang maglakad habang akay-akay 'yung bike.


Muntik nanamang may mangyari sa'king masama, kaya siguro ang lakas nanaman ng kabog ng dibdib ko.


- - - - -


"Dali na, ibigay mo na kay ate Madie 'yan." Sabi ko sabay tulak kay Kiel na hawak-hawak 'yung alkansya.


"Oh, bakit kayo nandito?" Tanong ni ate Madie ng kumatok ako sa clinic.


"May ibibigay po si Kiel!" Sabi ko at hinila si Kiel papunta kay ate Madie.


"Ano 'yun, lil brotherrr?" Pinatong naman ni Kiel 'yung alkansya sa table niya. "Whut is this?"


"Ah ate, ipon ni Kiel 'yan. Dagdag namin para sa outreach niyo sa mga bata sa orphanage." Sabi ko.


Nalaman ko kasi na every school year pumupunta dun si ate Madie para mag-outreach, katulong niya ang S.A para sa mga tulong na binibigay dun.

"Oh, how sweet. Change of heart kapatid? Kaya pala nung isang araw ka pa tanong ng tanong tungkol sa outreach ha." Pero inirapan lang ni Kiel si ate Madie. Napakunot naman ako ng noo.

"Oh siya, wednesday 7am dapat andito na kayo sa school okay?"

"Po? Kasama po kami?" Tanong ko ng nanlalaki ang mata, sasabihin ko palang sana kay ate Madie kung pede sumama e.

"Yung section niyo, actually. Well, minsan lang naman mag-request si kapatid na ang section niyo na lang daw ang piliin ko para makasama."


Napatingin naman ako kay Kiel na kasalukuyang nasa hospital bed at naka-pikit.

"Thank you dito, alam kong hindi lang si Kiel ang nag-ipon nito. Malaking tulong to sa mga bata." Sabi ni ate Madie reffering dun sa alkansya. Ngumiti lang ako.


- - - - -


Nilabas ko 'yung bote mula sa tshirt ko na naka kwintas sa'kin. "huwaaa." Sabi ko ng makita kong nadagdagan nanaman yung gold glitters five percent, dahil dun sa alkansya na binigay ni Kiel para dun sa outreach.


Pumikit ako ng may ngiti sa labi. Salamat po ng marami, God.


Lumabas na ako ng kwarto, wala namang assignment kaya magtatanong na lang ako kay Lolal Lily kung may pede akong gawin.


"Uy teka san tayo pupunta?" Bigla na lang kasi akong hinila ni Kiel palabas ng bahay.


"Dalian mo na, baka hindi nanatin maabutan 'yun." Sabi niya.


"Ha?" Hindi niya ako sinagot at busy siya sa pagpara ng taxi.

- - - - -


"Nasan tayo? Bat tayo nandito?" Inabot naman sakin ni Kiel 'yung notebook at tinuro yung number four.

"Nasa Manila Bay na tayo?" Tumango lang siya.


Hindi pa naman nagsu-sunset medyo mataas pa ang araw pero malapit narin bumaba.


Umupo kami sa bench sa gilid ng isang puno. Ang hangin, ang sarap pakinggan ng alon ng tubig. Napangiti ako bigla, how I wish nandito sina mommy at daddy.

Napatingin ako kay Kiel nang unupo siya sa tabi ko at may hawak siyang mga pagkain. Umalis pala siya hindi ko manlang namalayan.


"Hindi pa lahat yan yung street foods, yan lang kasi meron dito."


"Okay lang." Sabi ko at nag thumbs-up pa sakanya.


"Ito, kwek-kwek." Sabi niya sabay turo dun sa kulay orange. "Ito Isaw," turo niya dun sa parang maliit na tubo tapos pa-zigzag na naka tusok sa stick.


"Ito squid ball, fish ball, kikiam. Alam mo naman siguro to diba?"


Tumango ako, "Oo pero hindi pa'ko nakakain na gantong naka tusok sa stick."


"Pwede nang tikman?" Tinignan niya lang ako, "silence means yes." Sabi ko at nag umpisa nang kumain.


Yung kwek-kwek pala itlog na maliit tapos parang coating yung orange. Yung isaw masarap din lalo na nung sinawsaw ko. Intestine daw ng chicken 'yun, malinis naman daw 'yun.


Tinikman ko din yung squid ball, fish ball tsaka kikiam. Prito lang siya pero nagpasarap sakaniya yung sauce!


"Ang sarap lahat!" Sabi ko at ininom yung pineapple juice na binili ni Kiel.

May inabot naman siya saking itlog, "balot." Sabi niya. "May sisiw yan sa loob."


"Weh? Totoo?" Tumango naman siya. Medyo gulat kong tanong.

Tinuro niya sakin kung pano kainin, tatanggalin muna yung shell sa ibabaw ng konti tapos hihigupin yung sabaw tapos bubuksan na ng kalhati tapos lalagyan ng asin tapos sipsipin ko hanggang sa makain ko lahat.

Nakita ko namang naka-ngiti si Kiel habang naka-ngiti sa'kin. Yung totoong ngiti. Napahawak nanaman ako sa dibdib ko, ang lakas nanaman ng kabog.

Napalunok ako at tumingin sa harapan ko, unti-unti ng lumulubog yung araw.


Napapikit ako ng maramdaman kong humampas ang malamig na hangin sa pisngi ko.


Wala namang nangyaring masama pero bakit kumabog yung dibdib ko ng ganun nung tinignan ako ni Kiel at nginitian?

Hindi ako sigurado kung yun nga a talaga ang dahilan kung bakit, hindi ko alam.


- - - - -

Andie's Note: We'll Stop here first. Next chapters are the original and Unrevised Chapters. Post it sooon! Sorry.

My Naughty Fallen Angel // Fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon