Under The Silver Light 04
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
Weeks passed like a total glimpse of yesterday.
Sobrang bilis.
Katatapos lang ng midterm at bukas na nga ang unang araw sa ikalawang semestre. We had a two-weeks academic break every after midterm examination every semester. Iyon ang isa sa kagandahan ng Eastern University.
"You should eat healthy foods, anak. Kailangan positive and masaya ka lang lagi para ganoon din si baby."
"Paano ako ngingiti palagi kung makita ko pa lang 'yang si Cedrix ay nasusuka na ako?"
Buntis si Ate.
Sabi na nga ba't may dahilan ang pagiging masungit niya sa akin. I am the only boy and she's the first one who gets excited whenever I'm home pero nitong mga nagdaang linggo, kahit sa video call ay lagi siyang naka sigaw sa akin.
Ayon pala, naka buo na sila ng asawa niya.
"Siguradong kamukha iyan ni Cedrix, babe," biro ng asawa niya.
Babe amp. Napaka baduy.
Ewan ko. Simula talaga no'ng marinig ko ang tawagang iyan sa... kung sinong mag jowa ay nairita na ako.
Ang baduy-baduy pala ng tawagan na iyan. Napaka common, hindi man lang pinag-isipan nang mabuti at naki sabay na lang sa uso.
Kung ako ang boyfriend no'n, iyong may meaning at pinag-isipan talaga. Pero hindi naman ako ang pinili kaya anong pakialam ko?
Teka, bakit pipiliin? Hindi naman ako kasali sa choices, ah?
Bakit ko ba inaaway ang sarili ko? Baliw ba ako?
Nahawa siguro kina Jacob.
Speakingo of...
"Pre, tingnan mo si Jacob tulala. Akala niya siguro nag sho-shoot tayo ng music video at siya ang main cast. Lakas maka senti, e."
Siraulo talaga 'tong si Paulo.
Tiningnan ko nga si Jacob at tulala ang gago. Hindi niya nga nagagalaw ang in-order niya habang paubos na ang amin.
"Tamo kukunin ko ang burger niya, kapag hindi niya napansin confirm... may saltik na nga 'yang tropa natin," bulong ni Cadence sabay pasimpleng kinuha ang burger nito.
"Hoy, Cadence! May iniisip lang ako pero alam ko ang bawat kilos mo. Bumili ka ro'n! Mang-aagaw ka pa riyan, e."
"Akala namin natuluyan ka na, pre. Katatapos lang ng health break pero mukhang lumala ka pa."
"Tanga may iniisip lang kasi ako."
"Babae?" tanong ko.
"Anong babae? Puro ka talaga babae! Ikaw lang 'yon, no! Sila kasi ang umiisip sa'kin."
Kapal ng mukha. Mahihiya ang pader sa tigas ng mukha niya.
Hangin amp.
"Anong iniisip mo?"
"Ba't gusto mo malaman? Umaasa kang ikaw?" sabay ngisi ng nakaka loko.
Halos mabulunan si Paulo roon. Diring-diri ang itsura. "Kahit maging babae ka pa hindi kita papansinin. Ang panget mo masyado para sa taste ko, no!"
"Wala ka naman kasing taste!"
"Pa'no mo nalamang wala akong taste? Natikman mo ba ako?"
Ako na ang mabilis umawat sa dalawa. " Sige na, mag tikiman na kayo nang magka alaman na."
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2