Silver 28

6.6K 252 196
                                    

Under The Silver Light 28

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung dapat bang may sabihin sa lahat ng nalaman ko. Ngunit isa lang ang sigurado...

Nasasaktan siya.

At nasasaktan din ako sa naririnig at nalalaman ko.

"My mom used to be a dancer in a night club. The usual, nati-table at... naiuuwi. She met my Dad and they had a one night stand. Naulit iyon ng ilang beses hanggang sa tuluyang naging kabit ang mama ko. And then one day, they had me. Nag bunga ang kataksilan at ako iyon. Dahil may unang pamilya ang tatay kong mahal na mahal niya, hindi niya kami nagawang panindigan ng nanay ko at tanging pera lang ang kayang ibigay. My mom wants to abort me but my grandmother don't want her to do it because in the eyes of God, it's a sin. Tiniis niya ang siyam na buwan at wala pang isang araw no'ng isinilang ako, iniwan niya na ako. "

His voice cracked. Nanginginig na rin iyon dahil sa nagbabadyang mga luha kaya agad kong inabot ang kamay niya at hinaplos iyon.

"Ishan, you don't have to reminisce. Ayos lang kung hindi mo ikwento. Naiintindihan ko."

But he refused. "No. You need to know, Cedrix, because you want to enter my life. Gusto mong pasukin ang tahimik, walang buhay, at magulo kong mundo. Kailangan mong malaman na kung ako ang pipiliin mo, hindi mo mahahanap ang kasiyahan at ang kumpletong pagmamahal na nararanasan mo ngayon. "

"What do you mean?"

Doon niya pa lang ako tiningnan at tama nga ako nang makita ang pisngi niyang ngayon ay basang-basa ng kaniyang mga luha.

"Natatakot ako, Cedrix. Natakot ako noong makita kang masaya kasama ang pamilya mo dahil ganiyan din kasaya ang pamilya ng Daddy ko noong hindi pa ako tumitira sakanila. Natatakot ako na baka gaya noon, kapag hinayaan kitang makapasok sa buhay ko, guluhin ko rin ang iyo. "

Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya mabilis akong lumuhod sa harapan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Ano bang sinasabi mo, Ishan?"

"I can't risk your happiness, Ced," tuluyan na siyang humagulgol doon at yumuko, patuloy ang pag iling. "Hindi tayo bagay. Hindi tayo pwede kasi malayo ang kinagisnan natin sa isa't-isa. Hindi—"

"Wala akong pakialam!" sigaw ko. "Kahit pa wala kang magulang, bibigyan kita. Nandiyan naman ang magulang ko para tumayong magulang mo. Matatanggap ka nila, Ishan. Suportado nila ako at alam kong susuportahan din nila tayo....ikaw...susuportahan ka nila kaya hindi mo kailangang matakot."

Muli siyang umiling. "Cedrix, hindi—"

"Ishan naman! Bakit naman ganito? Kanina maayos naman tayo, ah? Akala ko naman magkukwento ka lang, bakit naman ganito? Bakit.... bakit ganto, baobei?"

Putangina nangingilid na ang mga luha ko at wala ito sa bokabularyo ko. Hindi mababaw ang luha ko pero ngayon, sa oras na 'to, isang maling salita lang ni Ishan ay siguradong tutulo na ang likidong naiipon sa mga mata ko.

"Ishan, ano?" I kneeled in front of him and held his trembling hands. "Baby, talk. Please communicate with me. Bakit ka ganiyan? Bakit.... bakit ganiyan ang mga sinasabi mo? You don't have to overthink. Your past doesn't matter. What matter the most is you, baobei. Ikaw lang."

Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak niya roon habang naka yuko. Ang bawat patak ay kusang tumutulo sa magkahawak naming kamay sa kaniyang kandungan.

"Baby, I love you. Ishan, gusto kita. Mahal na mahal at gustong-gusto. Thanks for sharing your story with me but if you're overthinking that your story would bother me, please don't. Ikaw ang importante. Tayo, Ishan, tayo."

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon