Author's Note

8.7K 248 68
                                    

Maraming maraming salamat sa patuloy na pagsuporta, Fillies!

Simula sa kwento nina Cade at Rave, narito pa rin kayo hanggang sa huling yugto ng kwento nila Cedrix at Ishan.

Aminado po ako na hanggang ngayon, napakarami ko pang dapat i-improve at nagpapasalamat po ako sa mga comments ninyo, positive o negative man dahil isinasapuso ko po lahat iyon para rin matulungan ang sarili ko na mag-improve pa. Makaaasa po kayo na patuloy pa po akong mag-i-improve sa mga susunod pang istorya.

Alam ko na maraming sumuko sa kwentong ito dahil hindi nagustuhan ang ilang perpektiba at desisyon ng karakter, lalo na noong pinili pa rin ni Cedrix si Ishan pero naiintindihan ko kayo. Gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, lahat ng nararamdaman at opinyon niyo ay valid.

Isa sa mga dahilan kung bakit hinayaan kong si Ishan at Cedrix ang maging end game, masyado nang malalim ang sugat na pinagdaanan ni Ishan at napatunayan naman ni Cedrix na deserving siya sa pagmamahal ni Ishan.

AND THEY DESERVE A HAPPY ENDING WITH EACH OTHER.

Tbh, grabe ang iyak ko habang isinusulat ang chapter na ito. Hindi kaya ng isang chapter ang buhay ni Ishan kaya hinahayaan ko na lang sainyong imahinasyon na ipagpatuloy ang kaniyang kwento.

At para sa mga taong may kaparehong sitwasyon sa mga karakter ko lalo kay Ishan, isang mahigpit na yakap sainyo. Alam kong hindi ayos at hindi madali. Hindi kailanman magiging madali pero manatili tayong maniwala sa proseso.

I am praying for everyone's healing.

Kung wala pang nagsasabi sa'yo.... proud ako sa'yo at salamat sa paglaban. Salamat sa pagiging matibay sa kabila ng pagiging madilim ng mundo. Hindi man ngayon, naniniwala akong isa-isa rin nating makikita ang liwanag ng buhay. Malay niyo, may bonus pang Cedrix na aagapay at yayakap sainyo.

Salamat din po sa lahat ng comments ninyo. Kahit iyong critiques, nababasa ko. Masaya po akong matuto pa mula sa perspective niyo at asahan niyong patuloy akong mag-i-improve. Hindi naman natatapos ang pagkatuto, e.

Nevertheless, mahal na mahal ko kayo. Hindi ko inakalang ganito karami ang magmamahal sa mga istorya ko. Sana hanggang sa kahuli-hulihang kabanata ng huli kong istorya, nariyan pa rin kayo para sumuporta.

Mahal ko kayong lahat. Palagi.

I WILL JUST FINISH THE SWEET SERENADE SERIES BEFORE I WILL REVISE THEM. PLEASE BEAR WITH TYPO GRAPHICAL ERRORS AND ALL.

SEE YOU AT THE THIRD INSTALLMENT OF SWEET SERENADE SERIES!

Prologue is posted!

It's gonna be Tristan and Paulo's story.

Love,

Filocalist. 💗

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon