Silver 08

6.1K 246 97
                                    

Under The Silver Light 08

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Panget ba ako?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nag tanong. Sigurado naman akong, ako ang tinutukoy niya dahil kaming dalawa lang naman ang magkatabi ngayon.

"Hindi."

Dahil sobrang ganda mo.

Kulang nga ang salitang ganda para ihalintulad sakaniya. Hindi ko alam. Nagsisimula ko na nga ring kwestuyunin ang sarili kung bakit attracted ako sakaniya.

Alam ko naman sa sarili kong babae ang gusto ko at nagugustuhan ko. Pero simula noong high school na nakita ko sya, siya ang tunay na nag depina sa tipo ko.

Hindi ko nga lang magawang aminin, at umamin dahil lalaki siya. Sa palagay ko, mali iyon.

Pero mali nga ba?

"Kapalit-palit ba ako?" muli niyang tanong.

Teka! Ba't parang pamilyar?

"Liza Soberano?" tanong ko rin.

Humalakhak siya ngunit umirap pa rin. "Wala ka talagang kwenta. Ilang movies na ba ang napanood mo at alam mo 'yon?"

"Hindi ako mahilig manood ng movies pero naging meme na 'yan kaya alam ko."

"Bakit hindi ka mahilig sa movie? Kasi wala kang kasama manood?"

Ngek! Porket walang kasamang manood hindi na mahilig? Hindi ba pwedeng hindi talaga ako mahilig doon?

"Ilang beses na akong nakipag date sa sinehan pero lahat ng 'yon tinulugan ko lang. Kahit movie marathon kasama ang mga kaibigan ko nakaka tulugan ko pa rin."

Hindi ko kasi matagalan ang tagal ng daloy ng kwento. Gusto ko sa loob lang ng kalahating oras tapos na. Mainipin kasi ako, aminado naman.

"Wala ka talagang kwenta."

Oo na, wala nang kwenta. Bawiin ko kaya 'yung panyo? Huwag na, siningahan niya na, e.

"Ikaw ba?"

"May kwenta."

Ayan ang walang kwenta. "Joke rin ba 'yan?"

"Hindi," seryosong sagot niya.

Kailan ko kaya siya makaka usap nang matino?

"Mahilig ka bang manood ng movies?"

Sana naman sagutin niya nang maayos dahil talaga naman...

Talagang ano, Cedrix? Iiwanan mo? Aalisan mo kapag hindi sumagot ng maayos? Kaya mo? Kaya mo, huh?

Hindi siyempre. Kingina.

"Oo. May kasama o wala mahilig akong manood ng movies. Kapag walang pasok, kahit limang movies pa."

Limang movies? Halos sampung oras 'yon depende sa haba ng movies. Mabubuo ko na ang 8 hours of sleep diyan kung kasama niya akong manood.

Pero... baka magustuhan ko rin naman? Iyong palabas. Siyempre 'yung palabas.

"Pero kaya ko rin naman maka tapos ng movies basta tungkol sa mga crime or mystery," sagot ko.

Tinitigan niya ako ng ilang minuto bago umiling-iling na parang may naiisip. "Hindi kita inaayang manood."

Sakit.

"Ako inaaya kita."

Tangina mo, Cedrix! Ayaw mo ngang manood ng short stories man lang, nagawa mo pang mag-aya?

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon