Silver 15

5.8K 206 111
                                    

Under The Silver Light 15


                                   ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Good afternoon, sir! Okay na po, na-receive na po ni Mr. Ishan Buenavista."

"Sige po. Salamat."

Ibinaba ko ang tawag pagkatapos. Tumawag kasi iyong Grab food kung saan ako um-order para ipadala kay Ishan.

Nakita ko kasi ang IG story niya, nag-repost siya ng nagmu-mukbang ng KFC. Maging sa messenger notes niya ay sinasabi niyang nag ce-crave siya kaya ako na mismo ang um-order at nag deliver sakaniya.

Kung ako naman kasi ang bibili at mag aabot sakanya, siguradong hindi niya tatanggapin. Baka nga hindi pa ako labasin no'n, sa tindi ba naman ng galit niya sa akin na hindi ko talaga alam hanggang ngayon kung bakit.

Actually it's been a week since he starts ignoring me... literally. Akala mo kapag nagkaka salubong kami hangin lang ako. Praktisadong-praktisado niya rin ang pagiging bulag na parang walang nakikita kapag nasa paligid.

At sa isang linggong hindi niya pagpansin sa akin, isang linggo na rin akong sumusubok na i-chat siya. Kinapalan ko na nga lang ang hiya ko at tumatawag na rin ako. Kaunti na nga lang ay hihingin ko na ang number niya sa mga kaibigan niya, ganoon na ako kadesperado.

Parang lantang gulay tuloy ako sa mga nagdaang araw. Wala naman akong ginawa, kung meron man, handa naman akong mag sorry. Paulit-ulit ko na nga iyong ginawa pero matigas pa rin talaga siya.

Ang hirap talaga gumusto ng lalaking kasing tigas ng pader ang puso. Hindi ba siya naaawa na baka hindi na pala ako nakaka kain nang maayos dahil hindi niya ako kinakausap at pinapansin.

"Ako 'yung um-order pero ako rin 'yung walang pagkain," sabi ko sa sarili nang makitang wala na namang laman ang grocery cabinet ko. Sa ref naman ay tubig, beer, coke, at itlog lang ang mayroon.

Buti nabubuhay pa ako?

Nag palit ako ng damit at binalik na lang kumain sa fastfood chain saka dumiretso sa malapit na supermarket sa amin. Mag g-grocery muna ako kahit kaunti habang hindi pa naipapadala ang allowance ko for the next month.

Pasakay na ako sa elevator nang marinig kong tinawag ang pangalan ko. Napa pikit ako, alam ko kung kaninong boses iyon. Ilang linggo ko ring hindi narinig iyon.

Lumingon ako at malawak ang ngisi na ipinakita rito na parang walang nangyari. Hindi ko naman kasi ipinasabi na sa akin galing dahil alam kong isosoli niya lang iyon.

Sa taas ba naman ng pride nitong si Ishan. Mas matangkad pa sa height ko ang ego at pride niya, e. Kayang-kaya akong tapakan.

Itinaas niya ang dalang supot ng KFC at taas ang kilay akong tiningnan. "Ba't mo'ko binigyan nito?"

"Hindi ako ang nag bigay niyan."

"Really?" he mocked. "As if naman na maniniwala ako sa'yo."

Pinilit ko pa ring maging kaswal at muling umiling sa paratang niya. "Pero hindi talaga ako ang nag bigay niyan."

"Hindi ka talaga aamin?"

Aamin? Saan? Sa feelings ko ba? "Gusto mo talaga umamin ako? As in ngayon na?"

Umirap siya, tila hindi na kinakaya ng patience niya ang pagiging magulo ko. May kinuha siyang resibo roon sa loob ng supot at itinaas.

"Nakalimutan yata ng Grab driver kuhain ang resibo na may pangalan mo. Hindi ba ikaw si Cedrix Yu? O baka naman you change your name na?" halata ang pagiging sarkastiko sa boses niya pero heto ako, inilalagay ang dila sa gilid ng pisngi dahil nangingiti.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon