Silver 24

6.4K 277 99
                                    

Under The Silver Light 24

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Ba't kasi kailangan manood?" iritableng tanong ni Paulo habang naka upo sa malapit na bench sa stage kung saan maglalaban ang dalawang department para sa final round ng quiz bee.

"Ito si Cedrix, panonoorin daw 'yung crush niya. Nandamay pa, siya lang naman may crush," sabi naman ni Jacob.

Sinamaan ako ng tingin ni Paulo. "Poporma ka lang pala nandamay ka pa. Imbes na nasa bahay na ako."

"Ang arte niyo!" singhal ko sakanila. "Sa next na Oasis natin sagot ko ang alak. Ano, okay na? Uuwi pa rin kayo?"

"Ang tagal naman magumpisa ng quiz bee, kanina pa ako excited manood, e."

"Ako nga rin, e. Ang boring kaya sa unit, atsaka maganda manood ng mga quiz bee kasi may matututuhan ka talaga."

Dahil sa sinabi ni Paulo at Jacob, tawang-tawa roon si Cadence na may pahampas-hampas pa sa dalawa. "Tangina niyo talaga, basta alak g na g."

"Minsan lang manlibre 'yan si Cedrix, kailangang sulitin."

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo Jacob?" sabay turo kay Paulo na tumatawa rin. "Mas malala sa kakuriputan ang mestisong iyan, ah? Akala mo siya ang chinese sa aming dalawa, e."

"Nag-aambag ako sa inuman, ah? Imbento ka riyan, Cedrix!" balik niya sa akin.

Sasagot pa sana ako nang marinig na nagsalita ang emcee. Magsisimula na ang quiz bee at doon ko lang din napansin ang dami ng taong narito.

Hindi naman ito sport pero grabe pa rin ang dami ng tao. Sabagay, kahit sino naman gustong makanood ng tagisan ng talino. May natutuhan ka na, na entertain ka pa.

"Educ at Engineering pala ang maglalaban, e." Itinuro ni Jacob ang mga tarpaulin na hawak ng parehong Educ student at Engineering students na sumusuporta sa sari-sariling mga panlaban.

"Ay, oo. Sina Tristan 'yon oh!"

Sabay-sabay kaming tumingin sa kabilang bench, halos kaharap lang namin sila. Naka tingin na rin nga sila rito sa gawi namin. Una kong nakita ang naka ngiting si Rave.

Pag lingon ko sa aking katabi, naka kagat labi si Cadence. Tanginang mga 'to.

"Hoy! Ikalma mo, mamaya na 'yan pag uwi sa unit."

"Tanga! Nagpipigil ako ng ngiti, pinagsasabi mo?"

Bumulong ako rito. "Halata ka." Agad niya namang itinaboy ang mukha ko. "Aray naman!"

"Baka mag selos, mahirap na," sabi niya.

Si Rave? Magseselos? Kanino? Sa akin?

Napa ngisi ako. Mabuti naman. Alam niya rin bang pinagseselosan ko siya dahil akala ko siya ang crush ni Ishan?

Dahil patuloy ang ngitian ng dalawang maharot sa paligid, si Paulo na nasa kaliwa ko ang pinagdiskitahan ko. Wala pa kasi si Ishan, hindi pa ako makapag focus dahil wala pa ang pinag fo-focus-an ko.

"Si Saavedra oh! Yie! Talagang nasa harapan, baka crush ka, pre."

"Tangina mo! Akala mo nakalimutan ko na 'yung ginawa mo no'ng isang araw? Sinabi mo pala talaga. Putangina mo!"

Gago? Sinabi talaga ni Tristan sakaniya? So, naniwala nga siya? Ang feeler din naman pala nitong si Saavedra. Mukha bang totoo na magkaka gusto sakaniya si Paulo?

Hindi ko naman inaalis ang posibilidad na maging baliko rin sya, kami nga ni Cadence na sobrang tuwid noon, e nagawang pabaluktutin ng mga Engineering, e. Kaya lang, si Paulo na 'to. Masyadong matigas iyan. Hindi ko maisip na babaliko.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon