Under The Silver Light 06
"Pre, kung tatakbo ba akong SK Chairman, iboboto niyo ako?"
Ano na namang drama nito ni Jacob? Noong nakaraan ang lalim ng iniisip niya. Akala namin kung anong problema, iyon pala iniisip niya kung sibuyas o bawang ba ang inuuna kapag naggigisa.
Tapos ngayon ito naman? Politiko? Tanginang 'yan, lakas ng tama, e. Naapektuhan na ba ng mga plates ang utak nito?
"May ubo ka ba sa utak, pre?" tanong ni Paulo.
"Kung bobo ang mga tiga sa inyo, pre, baka iboto ka nga nila," sagot ko naman.
Sinamaan kami nito ng tingin. " 'Yong totoo kasi, mga gago!"
Luh! Seryoso ba talaga siya? Tatakbo ba siyang SK Chairman? Anong gagawin niya? Paliga? Libreng condom? O baka 50% discount sa mga club?
"Tanga! Kung seryoso ka, magisip-isip ka, pre. Hindi biro ang pagpasok sa politika. Dapat well-prepared ka sa lahat. Atsaka, make sure na may maiaambag ka talaga."
Tama. May talino rin talagang tinatago itong si Cadence, e. Madalas lang talagang nakatago, hindi niya inilalabas kahit may exam. Nasobrahan sa gatekeep.
Tumango-tango si Jacob. "De natanong ko lang, nakita ko kasi 'yong plataporma ni Onin, pre," sabay tingin kay Paulo. "Tumatakbong SK Chairman si gago, tapos 'yong plataporma niya parang chinat GPT lang tapos 'yong credentials mythical five amputa. Naisip ko tuloy mas may kwenta pa kung ako ang tatakbo."
Tawang-tawa kami roon lalo na si Paulo. Kaaway niyan si Onin simula Senior High, hanggang ngayon na nasa college ay sa Eastern U rin siya nag-enroll kaya lalong naiirita itong kaibigan ko.
"Wala naman 'yong alam kundi magpalaki ng bayag. Lahat yata ng ubo no'n napunta sa utak niya, e. Pa-famous, dinamay pa ang politika."
Bumaling sa akin si Cadence. "Ikaw, Drix? Binalak mo ba pumasok sa politika?"
"Iba gusto niyan pasukan."
"Sa bar 'yan papasok."
Pet peeves ko talaga silang dalawa. Si Cadence lang matino, e. Minsan. Minsan lang, ah?
Umiling ako. "Never. Tangina! Anong iaambag ko sa masasakupan ko, e, ako pa lang salot na sa lugar namin?"
"Oo, pre, tama 'yan. Baka ibalik ka sa China niyan kapag nalaman nilang pabigat ka lang."
"Ulol! Never nga akong nakapunta ng China, ibabalik pa nila ako ro'n."
"Baka may farm kayo, pre, ah? Tapos tinatago mo lang sa'min na may milyones ka sa bangko."
Natawa ako. "Kung mayaman lang ako, ako pa nagpaaral sa inyo kahit alam kong masasayang lang ang pera ko dahil hindi naman kayo nag-aaral nang mabuti."
"Kapal ng libag mo!"
Hindi roon natapos ang asaran namin na kung saan-saan na napunta. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ba kami nag usap-usap nang talagang seryoso.
Madalas kapag may problema ang isa sa'min ay nagseseryoso naman kami pero hindi talaga matatapos ang usapan na walang nagpapatawa sa akin.
Para kaming living meme at happy pill ng isa't isa, parang hindi kumpleto ang araw namin kapag hindi kami nagbardagulan.
Isa iyon sa mga bagay na gusto ko sa kanilang tatlo. Okay sila pagsabihan ng problema, talagang nakikinig sila at wala kang makikitang judgement. Maganda rin na nagagawa nilang pagaangin ang nararamdaman ng isa sa'min sa pamamagitan ng kagaguhan.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomantikBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2
