Under The Silver Light 09
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
Cedrix Yu:
Goodmorning, future Engineer!
Hindi ko alam kung bakit iyon ang una kong ginawa nang magising ako. Ang i-chat si Ishan.
Mukhang hindi pa siya gising dahil hindi naman naka active ang status niya. Kung sabagay, masyado pang maaga.
Tumingin ako sa orasan sa kwarto, ala singko pa lang. Himala rin nga na maaga akong nagising ngayon. Kahit kasi ayaw ko, nag-request si buntis na samahan ko naman daw siyang mag lakad-lakad dahil wala si kuya Martin, maaga ring umalis para magtungo ng Negros para sa negosyo.
Sa totoo lang, kahit naman palagi kaming nag-aaway at nag-aasaran nitong mga nakaraang araw ni Ate dahil sa paglilihi niya ay hindi ko rin naman sya matiis.
This is her second pregnancy. Iyong unang pagkakataong nabuntis siya, nakunan siya. That was one of the most painful days our family had—especially my sister.
Mahilig siya sa bata, she's really into us—her siblings. Kahit dalaga't binata na kami ni Cherry ay baby pa rin niya kami kung ituring.
Kaya naman noong nakunan siya, alam ko kung gaano iyon kasakit sakaniya—sakanila ni kuya Martin. But I'm happy that love brought them to where they are now. And now, they have another blessing.
Our family has another blessing.
Kaya habang narito ako, at kung ako nga talaga ang pinaglilihian niya, masaya akong pagsilbihan ang kapatid ko. If that's the least I can do, I am more than willing to be a good brother for my future niece.
Kung magiging lalaki pa nga iyan, siguradong kamukha ko. Ang swerte ni Ate kung gano'n, artistahin ang mukha ng anak niya.
"Nag g-gym ka?"
Pinisil-pisil ni Ate ang braso ko habang naka kapit doon. Ang kanang braso ko naman ay naka akbay kay Cherry na naka simangot.
Ginising din kasi siya ni Ate para sumama sa morning jogging namin na mukhang walking lang talaga dahil hindi naman maka takbo ang kapatid ko.
Hindi pa malaki ang tiyan niya, bago pa lang iyon pero doble na ang ingat nila dahil ayaw nang maulit ang nangyari sa panganay. Wala namang gustong maulit pa iyon.
"May gym sa condo, e, kaya nagbubuhat din ako. Ayos ba, 'te?"
Tumango siya. "Gumanda ang katawan mo, e, hakot eabab ka na naman niyan?"
"Nadale mo."
Imbes na mag jogging ay nag laro na lang kami ng badminton ni Cherry habang si Ate ay palakad-lakad lang na pinapanood kami.
"Picture-an ko kayo."
Mabilis kong inakbayan si Cherry.
"Ew! Kuya! Ang lala ng pawis mo. Sobrang kadiri ka!" reklamo niya.
"Ang arte mo! Malamang pinawisan."
"Ako rin naman pero kaya nga may towel para ipamunas sa pawis, 'di ba?"
Napaka arte.
"Ang husay mo nang sumagot! Ganiyan ba kapag nagdadalaga?" pang-aasar ko.
"Whatever!"
Whatever pala, ah?
"Kuya Cedrix!"
Tumili siya nang i-headlock ko siya sabay tingin sa camera ni Ate na tumatawa habang panay ang kuha ng litrato namin.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
Roman d'amourBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2