Chapter 9: Meet the man of my dreams

19 2 2
                                    

Papunta na kami sa isa sa mga base nila at kami ay magte- training doon, this time kasama na namin ang mga boys. Nang nakarating na kami,siyempre may nag-assist sa amin kung saan ang tent namin. Pinaghiwalay ang boys at girls ng tent kaya first time ko ulit makatabi ang mga girls. Nang matapos naming ilagay ang mga gamit sa loob, agad din kaming lumabas para sa training namin. Walang pahinga-pahinga ito, haaay. Life nga naman.

" Ang gagawin niyo ngayon ay matutunan niyong i-assemble ang baril ng tama. Bawat isa sa inyo ay may magtuturo sa inyo " sabi ng freaking Vice President

Isa-isa nang lumapit sila sa amin. Nagulat kami ng pagdating na sa akin, naubusan na sila ng tauhan na magtuturo, ako kasi iyong nasa dulo. What the?! Ok lang sa akin kung wala, atleast hindi ko gagawin iyan buwahahaha.

" Tawagin mo nga si Lieutenant RJ dito " sabi ng isang matanda na nakamilitary uniform, hindi ko na alam kasi kung anong rank niya dito, sorry.

" Sir, Yes, Sir! " nagsalute siya bago umalis, ganoon din ang ginawa ng matandang nag-utos dito.

Nagsimula nang turuan sila, ako naman hindi ko alam kung kailangan ko bang magstay dito o umalis. Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik na iyong pinag- utusan ng matanda at may kasama na itong napakagwapong nilalang ito, oh freak! Stay muna ako, hahaha.

" Sir, bakit niyo po ako pinapatawag? " sabi ng guwapong nilalang

" Lieutenant RJ, ok lang ba sa iyong ikaw ang magturo sa kanya mag-assemble ng baril? Naubusan kasi tayo ng tauhan na magpapaturo sa kanila " sabi ng matanda

Nagulat ako sa sinabi ng matandang ito, s-siya ang magtuturo sa akin?! Tapos may rank pang lieutenant, patay ako nito! siguradong strikto ito, natatakot tuloy ako sa kanya kahit gwapo pa siya. Nahalata ko sa kanya na parang nagdadalawang isip siya, medyo na-hurt ako. Walang may gustong turuan ako! Well, ok lang sa akin, haha.

" Yes, Sir! Tuturuan ko po siya "

" Salamat, Lieutenant RJ "

Palapit na sa akin ang lieutenant na ito kaya sobrang kaba na ako, waaahhh!

" Ako si Lieutenant RJ, ako nga pala ang magtuturo sa iyo. Magsisimula tayo sa paglagay ng mga pulbura sa bala "

At iyon na nga, pinakita niya sa akin kung paano ilagay iyong pulbura sa bala. Nang alam ko na kung paano gawin, binigyan niya ako ng trabaho na pagkadami-daming bala sa harapan ko at kailangan kong ilagay ang mga pulbura sa bala.

" What the?! Seryoso? " nasabi ko tuloy ang dapat nasa isip ko lang, waaah, kahiya!

" Hoy, Mr.Joker, nagrereklamo ka na naman diyan " sabi ng freaking Vice President

Psh! Di ko na lang pinansin si kurimaw, ayoko ngang ipakita sa gwapong lieutenant na ito ang totoo kong ugali, buwahahaha, joke lang! Ang bait ko kaya. Ginawa ko na ang pinapagawa sa akin kahit naduduling na ako sa dami ng balang pinapalagay niya sa akin, pasalamat talaga ito at mabait at guwapong nilalang ito.

" Tapos na ako " sa wakas!

Ininspeksyon niya kung tama ang ginawa ko. After, ilang minutes.

" Magaling! Ngayon alam mo na gumawa ng bala. Madali ka naman palang turuan " nakangiti niyang sabi

Oh my freak! Super crush ko na siya! His killer smile makes me kill.

" Lunch break na kaya makakapagpahinga ka na ngayon. Ano nga palang pangalan mo? "

" Ahhh, Kimi Hannah Chiua but Kimi na lang for short" pahiya-hiyang effect ko pang sabi

" Ahhh, natutuwa akong makilala at turuan ka" ngiti niyang ulit sabi

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon