Chapter 16: Lovesick

22 1 2
                                    

You can't move on in the present if you still stuck in the past.

* * * * * * * * * *

Dahil ilang araw na akong nagkakaroon ng insomnia dahil sa freaking kakaisip sa kanya,and please tell me WHAT'S WRONG WITH ME! This is so embarrasing. Ayun,kahit naririnig ko na ang bell,hindi pa rin ako bumabangon. I am freaking SICK. Maya-maya,napamulat ako ng marinig kong may bumukas ng pinto at ang bumukas ng pinto ay walang iba kung hindi ang dahilan ng pagkakasakit ko.

" Sinabi ni Jhaden na may sakit ka daw,sakit ba talaga iyan o sakit-sakitan lang? "

Grabe,thanks talaga,in a sarcastic way. Pasalamat siya at wala akong ganang makipagtalo sa kanya dahil may sakit ako kung hindi. Pero sinabi ba niyang sinabi sa kanya ni Jhaden ~my loves na may sakit ako? ~Kyaaah! Kinikilig ako! Ipagpatuloy mo lang iyan Jhaden ~my loves sa pagpapakilig mo sa akin baka sakaling makalimutan ko na nagkagusto ako sa taong nasa harapan ko.

" Achooo! " Urrrgh! Freak! It's getting worse.

" Bumangon ka diyan "

Manhid ba talaga ito o what? Can't he see na hindi ako nagsasakit-sakitan? Pinapabangon talaga ako? Bato na yata puso nito ehhh. Sa bato pa talaga ako nagkagusto,Wow! Congratulations to me!(with matching rolling eyes pa iyan). At dahil officer siya at ako ay isang hamak na ordinaryong estudyante lamang,bumangon ako. Nang pagkabangon ko bigla niyang kinuha ang dalawa kong kamay at nilagay sa leeg niya at binuhat niya ako. Dahil sa pagkagulat ko sa ginawa niya,feeling ko tuloy namumula ako buti na lang nakatalikod siya.

" Anong ginagawa mo,huh? " inis kong sabi sa kanya kahit ang totoo kinikilig ako

" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko sa iyo? Pinapakain? Malamang binubuhat kita " pilosopo niyang sabi

Heto ang ayoko sa kanya ang pagiging PILOSOPO at paninira ng MOMENT. Nasa clinic kami at pinagpahinga niya ako rito at dahil wala iyong nurse nila,siya ang nag-asikaso sa akin. Ang sweet di ba?Hindi na ito sarcastic,haha.

* * * * * * * * * *

Me and my mom is here in the construction site of my dads' company to give him a surprise visit. We're fly here from America to see him. While mom and dad are busy with each other, I look around inside the construction,the building is big and noisy. I was going back to mom when I see her running towards me and saying something and because the place is so noise,I didn't hear on what she's trying to say and all I can remember is. . . Ma! Ma! Mama!

* * * * * * * * * *

" Ma! " napabangon ako sa kama dahil sa bangungot ko

" Oh,bakit? Anong nangyari sa iyo? "

Oo nga pala nasa clinic pala ako.

" Ahhh,wala "

" Pinagpapawisan ka,hindi pa rin ba bumababa lagnat mo? " lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko

" Hindi ka na gaano mainit kumpara kanina,buti naman. Nagugutom ka na ba? Kukuhanan lang kita ng makakain mo "

" Sandali "

Ang bilis naman maglaho nun,nawala na agad? Pagkarating niya,nagdala talaga siya ng pagkain. Ano ba iyan,nakakahiya! Ano naman nakain nito at parang ang bait niya ngayon.

" Ahhh,salamat dito " hiya kong sabi

" Pwede ba akong magtanong sa iyo ng personal? "

" A-Anong personal iyan? "

" Bakit mo tinatawag ang mama mo? Habang natutulog ka kasi,lagi mong binabanggit ang mama mo "

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya at nahihiya na ako sa nalalaman niya sa akin. Hindi ako makasalita parang ayaw bumuka ng bibig ko.

" Ok lang kung ayaw mong sabihin " ngumiti siya. NGUMITI SIYA! WTF! Kainis si heart ang OA! Ngumiti lang siya,bumilis na agad ang tibok. Haaay,unrequited love nga naman ohhh.

" Kasalanan ko kasi " mahinang bumuntong hininga ako

" kaya siya namatay " haaay,naku,Kimi! Ngumiti lang siya,bumigay ka na,ang weak mo talaga! Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

" Alam mo kung ano man ang dahilan,alam kong hindi ka sinisisi ng mama mo kaya huwag mong sisihin ang sarili mo,walang may kasalanan nun kung ano man ang nangyari " diretsong tingin niya sa akin habang sinasabi iyon

Napabuntong-hininga na lang ako. Pagkatapos kong kumain,binigyan niya ako ng gamot. I really hate taking this. Pagkatapos kong uminom,humiga na ulit ako.

" Ahhh,hindi ka pa ba matutulog? "

" Matutulog ako dito "

" Huh? Diyan ka matutulog? Matulog ka sa higaan mo,hindi mo na ako kailangan bantayan dahil ok na ako "

" Anong ok ka diyan? Mamaya mabangungot ka na naman diyan,sisihin pa ako kapag natuluyan ka na talaga. Ikaw ang matulog "

Aba! Gusto na ata akong patayin nito. Matuluyan agad?

" Humiga ka na sabi sa higaan mo baka ako pa ang sisihin mo kapag sumakit ang likod mo "

" O sige na! Para makatulog na tayo,hihiga ako dito sa isang kama. Ok? Goodnight "

Ano ba iyan,natatawa ako sa kanya,haaay. Gusto ko nang simulang lumayo sa iyo kaso nagrerebelde ang heart ko,ano bang dapat kong gawin?

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon