Chapter 17: Unexpected Visitors of Mine

14 1 1
                                    

The worst situation in LOVE: when you love the person that can't loved you back. . .

* * * * * * * * * *

" Haaay. . . "

" Ang lalim ng buntong hininga mo huh,siya pa rin ba ang dahilan? " kumakain kami ni Kim dito sa canteen. Si Kim lang ang nakakaalam na may gusto ako sa kurimaw. Ayoko namang sabihin sa iba dahil hindi ko pa rin tanggap na na-inlove ako sa isang monster.

" Kim,tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Paano bang makalimot? Kahit anong gawin kong iwas o ibaling sa ibang lalaki ang atensiyon ko,walang epek,huhuhu " nakahalumbaba kong sabi

Bigla akong siniko ni Kim kaya alam kong nandiyan sa paligid iyong kurimaw pero nagulat ako ng nasa harapan ko na siya.

" Mr.Joker,may bisita ka sa visiting room "

" Huh? Ako may bisita? Sino? "

" Galing sa school niyo "

" Talaga?! " napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niya

Paalis na sana ako ng biglang naalala ko nga pala na

" Ahhh,pwedeng magtanong kung saan ang visiting room? "

* * * * * * * * * * *

" Mayuko! " tuwang-tuwa kong tawag sa kanya

" Kimi " ngiti niyang sabi

" Na-miss kita,Mayuko,huhuhu "
" Na-miss din kita "

" Ehem! Parang wala ako rito huh "

" Nandiyan ka pala,Monic. Sorry hindi kita napansin,hindi ko aakalain na sasama ka dito " sarcastic kong sabi

" Well,ang totoo,gusto kong makita si Officer Kira " pang-iinis niyang sabi

Kung siguro may nakikita kaming aura sa isa't-isa,may aurang nag-aapoy sa amin pero sanay na kami sa isa't-isa ganito lang talaga kami magbatian. Parang katulad sa kulungan,may time limit ang visiting hours,kaya pagkatapos namin magkwentuhan,nagpaalam na rin sila.

Nasabi ko bang Saturday ngayon kaya buong araw wala akong ginagawa ngayon. Gusto ko sanang libangin ang sarili ko para hindi naman ako buong araw lagi kong naiisip iyong freaking vice president na iyon kaso wala talaga akong maisip na gawin.

" Ahhh,Miss Kimi " pagtawag sa akin ng isang tahimik at pinakagwapong lalaking officer sa kanilang apat na papalapit sa akin

" Bakit po,Officer Nihon-jin? "

" May bisita ka sa visiting room? "

" Huh? Ako? May bisita na naman? Wow,anong meron at binibisita ako ng mga tao ngayon "

Nang pagkarating ko sa visiting room,nagulat ako kung sino ang bisita ko.

" Kimi! "

" B-Bernadette?! "

Niyakap niya ako habang ako nasa state of shock pa rin ako

" Buti nakapunta ka rito? "

" Di sinabi ko sa iyo na bibisitahin din kita dito. Vacation na kasi namin ngayon sa school kaya ngayon lang kita nadalaw " ngiti niyang sabi buti di na siya nagsasalita ng english,akala ko duduguin na naman ako nito

" Awww, ang sweet mo talaga,Bernadette,thanks! "

Kahit alam kong naiilang si Bernadette sa pagpunta niya rito dahil nandito si freaking Vice President,pumunta pa rin siya dito para sa akin,haaay,kahit zero ang lovelife ko,marami naman akong kaibigan na nagmamahal sa akin kaya I'm feeling loved pa rin.

Pahapon na kaya,nagpaalam na siya at sinabing dadalaw siya ulit.

" Paano mo nakilala si Bernadette? " napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si freaking Vice President na parang kabute habang naglalakad ako papunta sa room ko

" Ahhh,ehhh,~Hooo " nag-act akong humihikab

" Inaantok na po ako ehhh,good night " sabay karipas ko ng takbo

Naku,lagot ako nito kapag nalaman niya kung paano ko nakilala si Bernadette baka ipa-salvage niya na ako pero bakit ganoon may nararamdaman akong kaunting selos ng tinanong niya sa akin iyon,siyempre nag-abala pa siyang tanungin niya sa akin iyon,ehhh,pwede namang wala na lang siya care kung magkakilala kami katulad ng hindi niya pagcare sa feelings ko,haaay. Wala akong karapatan dahil hindi namin kami at wala siyang gusto sa akin pero bakit ganoon,nasasaktan ako? Kailangan ko na talaga gumawa ng paraan para hindi na ito lumala pa.

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon