Chapter 12: General Reus is coming to academy

19 1 2
                                    

Pinilit kong mawala sa isip ko iyong tungkol kay Tazu para hindi naman akong mukhang meron ako ngayon. Pumunta na ako sa canteen para mag-almusal. Nakita ko si Kim kaya tumabi ako sa kanya. Maya-maya may narinig akong nag-uusap di kalayuan sa table namin na dalawang officer at ang isa doon dahil narinig ko ang maganda niyang boses *sarcastic* ay iyong pinakanakakainis ko sa lahat ng officers. Binilisan kong kumain at umalis na doon agad. Buong araw,iniiwasan ko iyong freaking Vice. Kapag nakita ko siya papunta sa direksyon ko or parehas kami ng papunta,bigla akong mag-iiba ng direksyon o di kaya kung hindi talaga maiwasan siya,hindi ko siya tinitignan. Hindi ko na rin alam sa sarili ko at bakit ko siya iniiwasan,I'm a weird ba? Nawe-weird na rin ako sa sarili ko. Mga hapon na nun at wala akong magawa sa buhay ay pumunta ako ng canteen para kumain sana ng makita ko si Sir Kira na mag-isa sa table. Yes! Masosolo na rin kita,muwahahaha.

" Hi,Sir Kira! Can I seat beside you? "

" Ohhh,Kimi. Sure "

" Can I request to you? "

" What is it? "

" Can I have some souvenier from you? Like your necktie,bag or any thing that will reminds me of you "

" Sure,what do you like? "

" You "

Medyo nagulat siya pagkatapos tumawa siya. Ang cute cute talaga ni Kira,parang kasing werewolf style iyong buhok niya kaya ang cute niya.

" Hoy,Kimi,tantanan mo nga si Sir Kira " Ano na naman bang problema nitong Sano na ito.

" Ano bang pakialam mo? " irita kong sabi

" Sir Kira ohhh " Parang bata talaga ito. Si Sir Kira pangiti-ngiti na lang sa amin parang hindi niya alam kung anong sasabihin niya

" Sir Kira,may naging ka-love story ka rin ba dito sa military iyong katulad sa kanila Bernadette at Vice President? Or naging girlfriend? " trip ko lang tanungin

" How did you know about Bernadette? I don't have,the rules here should follow and one of the rules is don't make commitments especially to the officers "

" Huh? Why? "

" Ummm,I think its because it will only makes us disturb or distract to our duties as officers "

" Ahhh,ganoon ba? " Ano ba iyan! Hindi ko pala ito maaakit si Sir Kira,nagtataka pa rin ako kung bakit hindi sila pwede magkaroon ng love life like hello! Ang boring kaya ng life mo nung kabataan mo pa ay hindi ka man lang nakaranas ng ganyan. Kahit crush lang hindi pwede! Ang boring kaya nun para sa akin. Atsaka sa tingin ko naman,kaya naman pagsabayin ang duties at lovelife.

" Do you want this? "

" Waaah! Ang ~kyuuut naman! Akin na lang talaga ito,thanks Sir Kira " Sir Kira gave me a cute teddy bear key chain

" You're welcome "

" Wow,cute naman " kinuha niya ang teddy bear ko. Wala talaga itong magawa sa buhay

" Akin na nga iyan,paepal ka talaga "

" Ayoko nga "

" Sige sa iyo na iyan,epal ka talaga! " sa sobrang inis ko kay Sano,nagwalk out ako sa kanila. Sobrang iritable ako ngayon kaya nagkulong lang ako sa kwarto buong araw.

*Next day. . .*

Hindi ko pinapansin buong araw si Sano kapag binabalik niya sa akin iyong teddy bear na key chain.

" Maglilinis kayo ngayong araw dahil darating bukas ang isang mahalagang bisita,siya si General Reus. Siya muna ang papalit kay President Yanyan habang wala siya. Kaya dapat makinig kayo sa mga sasabihin namin na dapat at hindi dapat gawin kapag nandito siya,naiintindihan niyo? "

So ayun,general cleaning kami for today. At sinabihan kami na dapat sobrang maaga kami gumising mas maaga pa sa usual naming oras ng paggising,WTF! Hirap na nga akong gumising sa maaga naming klase tapos mas maaga pa doon,are you kidding me?! Sa pagkainan daw,hindi iyong usual na kanya-kanya kayo,kailangan daw sabay-sabay kaming kumain sa malaki at mahabang mesa at buffet daw,What the! At bawal mag-ingay. I dont want here! I want to go home!

" Pssst! " Habang naglilinis ako,may narinig akong sumisitsit.

" Pssst! " sino ba iyon? Hinanap ko kung sinong sumisitsit,iyon pala iyong epal na Sano lang pala. Hindi ko na lang pinansin.

" Kimi " mahina niyang sabi

" Bilang peace offering ko sa iyo,ibibigay ko sa iyo ang number ni Lieutenant RJ "

Ano ba iyan? Mapipilitan pa akong kausapin itong epal.

" At paano ka naman nagkaroon ng number ni Lieutenant RJ? Huh? "

" Ahhh,basta! Ano deal? "

Pinagloloko lang yata ako nito ehhh.

" Kapag ito hindi kay Lieutenant RJ,humanda ka talaga sa akin " binigyan ko siya ng death glare

Kinuha ko naman ang number na iyon at sinubukan kong i-text para makasigurado akong kay Lieutenant RJ tapos ayun kay Lieutenant RJ nga iyong number na iyon kaya bati na kami ng isip bata na iyon. Naging textmate na nga kami ni Lieutenant RJ.

<To: Lieutenant RJ>
Ahh,baka busy ka pasensiya na sa pag-istorbo ko sa iyo

<From: Lieutenant RJ>
Wala naman akong ginagawa kaya huwag kang mag-alala baka nga ikaw ang busy?

" Ang sweet naman! " bigla akong napatalon sa gulat

" V-Vice President?! " tinago ko iyong phone sa likod ko

" Anong ginagawa niyo rito? " anong klaseng tanong iyan,Kimi!

" Gusto ko lang makita kung may gumagawa ba sa task niya o may pinagkakaabalahang iba? " tapos ngumiti siya na parang naaasar siya. Scary!

Patay malisya na lang ako at nagwalis walis kunwari.

" Akin na? "

" Ang alin? "

" Ano pa, eh di iyong tinatago mo? "

" Eh? Wala naman akong tinatago huh "

" Isa! "

" Ahhh,dalawa? " malapit na siyang magbeast mode

" Tat--- "

" Sandali! Ibibigay ko na pero text ko muna si Lieutenant RJ para makapagpaalam,pretty please? " tapos nagpaawa effect pa ako para pumayag siya

" Bilisan mo "

Binigay ko na rin iyong phone ko sa kanya pagkatapos kong magtext kay Lieutenant RJ,kainis!

Pagkatapos naming maglinis,pwede na daw kaming magpahinga. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan,haaay. Gutom lang siguro ito.

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon