Chapter 5: My horrible experience

39 1 2
                                    

TING DING DING

Haaayyy,nakakatamad talagang gumising ng ganitong umaga kaso wala rin ako magagawa kung hindi bumangon. Pagkatapos kong magbihis,kumain na ako sa canteen,siyempre kasama ang aking mga classmate na babae. Napapansin ko nga ng mga past few days,hindi ko pa nakikita si Honami na pumuntang canteen,parang si Jhaden lang,huh. May pagkakaparehas din sila ni Jhaden kaso nga lang,mas makakausap mo pa si Jhaden kaysa kay Honami,paghindi kasing importante ang sasabihin mo,tatarayan ka niya pero puwede mo siyang makausap kung importante ang sasabihin mo like participation sa groupings,all sorts of school stuff. Hindi siya weird,MISTERYOSA lang.

" Oo nga pala,ano naman ang schedule natin ngayon? "-me

" Hindi mo ba binasa ang binigay sa ating schedule? "-Kawaii

" Hindi. Nakakatamad kasing basahin,alam niyo namang hindi ako mahilig magbasa "-me

" Maglilinis tayo ngayon ng barracks "-Kawaii

" Barracks? "-me

Ok,ang slow ko talaga. Ang barracks pala ay base ng mga military. Heto,kami ngayon at maglilinis. *linis* *linis*

" Mr.Joker,pumunta ka rito. May iba akong ipapagawa sa iyo "-Joshua

Wow! Makautos! Siya naman ang may kailangan bakit ako pa ang lalapit,nakuu,kung hindi lang ito officer at hindi sila ang batas dito,bahala siya sa buhay niya kaso hindi eh,haaaaayyyyy. No choice naman ako lagi kaya lumapit ako sa kanya.

" Ano po ang ipapagawa niyo sa akin? Atsaka ilang ulit ko pa ba sasabihin na hindi Mr.Joker ang pangalan ko "-me

Kung sana maganda ang binigay niyang call sign sa akin kaso hindi eh,nakakainis sa tainga ang call sign niya sa akin,ggggrrrrrr!!!

" Bakit ano bang pangalan mo? "-Joshua

" Ang pangalan ko ay KIMI HANNAH at isa pa hindi ako MR! "-me

" Ahh,basta mas gusto ko pa ring Mr.Joker ang itawag sa iyo "-Joshua

Ayy,ewan! Wala naman itong patutunguhan itong conversation namin,haaay.

" Ano PO ba iyong ipapagawa niyo sa akin?! "-me

" Oh,ito! Task sa iyo ito ni President. Pumunta ka sa bayan at ibigay mo ito sa manggagamot. Sulat iyan para sa kanya galing kay President Aruto,paubos na kasi ang gamot sa clinic kaya nangangailangan tayo ng supply ng gamot niya at siya lang ang pinagkatiwalaan ng President dahil talagang mabisa ang mga gamot niya.Nakasulat na rin iyong address sa likod ng envelope. Importante ito kaya pag-ingatan mong mabuti,nagkakaintindihan ba tayo,Mr.Joker? "-Joshua

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon