Chapter 13: Love Letter

15 1 2
                                    

I'll make sure of it that he'll taste my sweet revenge! I really hate him! Paano niya nagawa sa akin na buhusan ako ng malamig na tubig sa kama,wala talaga siyang puso.

" Bilisan mo na diyan "-Vice President

----------

" Hindi na tayo pwede sa taas dahil late na tayo dahil sa iyo. Sinabihan na nga kahapon na maagang gumising,masunurin ka talaga " sarcastic ang pagkakasabi niya sa huli

Hindi ko na lang pinapansin ang sermon niya. Nandito na kami sa baba ng dining hall kasama ang mga estudyanteng nasa lower section.

" Hi,Sir! Bakit nandito po kayo? "

" Dito kami kakain,na-late kasi kami " tapos tumingin siya sa akin na kasalanan-niya-kasi look

Habang kumakain kami,may mga nagbubulungang lalaki,bubulong na nga,maririnig ko pa at isa pa,tsismoso ang mga lalaking ito ahhh.

Meron kayang namamagitan sa kanila ni Vice President at iyong babae?

Oo nga,sila lang dalawa ang nandito

Sinamahan pa siya ni Sir

All I can say is WTFreak! Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room at doon nagpakilala iyong pandak na General,ang sama ehhh,noh! Peace po tayo,haha! Nang dahil sa kanya kasi nabuhusan ako ng malamig na tubig,papunta punta pa rito.

Next day. . .

Wala naman masyadong nagbago sa routine bukod lang sa sobra na silang maghigpit dahil minomonitor ng pandak na General. Ang sarap ngang sapakin ehhh,ewan ko ba. Bawal mag-ingay kahit humuni ka nga lang bawal na buti nakakahinga pa kami. Bawal magpagala kung saan saan kapag tapos na ang klase,doon ka na lang sa room mo tumambay at bawal makipaglokohan sa mga officers like bawal kaming makipag-usap sa kanila kung hindi naman kailangan. Ehhh,di ba nakakausap namin ang mga officers na parang ordinaryong estudyante lang,ngayon hindi na pwede.

Habang ginagawa ko iyong task,biglang lumapit iyong freaking Vice President.

" Pumunta ka mamaya sa underground sa may canteen pagkatapos nito " tapos umalis na siya agad

Ehhh? Ano iyon? Saan daw? Underground? Canteen? Bakit? Kinakabahan tuloy ako sa kanya. Pagkatapos ng klase,ahhh,nandito na ako sa canteen,hindi ko malaman kung sisiputin ko siya or what? Kinakabahan talaga kasi ako,bakit kasi pinapapunta niya ako doon? Anong meron doon? Oh my! Don't tell me,diyan niya ako papatayin para walang maghinala na siya ang pumatay sa akin. Scary! Ayoko ng pumunta! It takes 5 minutes bago ako nakapagdesisyon na siputin siya kapag pinatay niya ako,may nakahanda na akong gagawin sa kanya,iiwan ko lang ito sa taas ng hagdanan. First time kong pumunta sa underground ng canteen,hindi ko alam na may ganito pala dito. Huling hakbang na lang ng biglang nakaramdam ako ng ayaw ko ng tumuloy. Ang gulo ko talaga! Ano ka ba Kimi! Masasapak na kita ehhh! Ok! Ok! Nababaliw na ako dito,kinakausap ko na sarili ko. Pagbaba ko,nakita ko siya na nakatayo.

" Bakit ang tagal mo huh! "-Vice President

" Ahhh,bakit mo kasi ako pinatawag dito? "

" Meron akong ibibigay sa iyo "

" Huh? Bakit dito mo pa sa akin ibibigay? "

" Dahil hindi puwede. Makikita tayo ni General "

Ano naman kung makikita niya? Bakit illegal ba ang ibibigay nito sa akin? Baka bomba ang ibibigay niya sa akin kaya ganoon.

" Ohhh " sabay bigay sa akin

" Ahhh,ano ito? "

" Ehhh,di letter "

" Letter? " Bakit may letter ako

" Galing kay RJ iyan,pinabibigay sa iyo "

" Lieutenant RJ?! T-talaga?! Binigyan ako ng letter ni Lieutenant RJ,wuahhh! " kilig na kilig ako sa kanya

" Hindi mo pa nga nababasa,kilig na kilig ka na lalo pa siguro kung nabasa mo na " he give me a weird look palibhasa kasi hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko dahil wala siyang lovelife

Binasa ko iyong very first love letter ko.

(A/N: Hindi ko na matandaan kung anong nakasaad sa love letter kaya hindi ko mailalagay dito)

Sobrang kilig na kilig ako pero isang araw pa lang nakalipas nung nakatext ko siya huh,ang effort niya naman in fairness.

" Thanks,Vice! Sobrang saya ko talaga ngayon dahil diyan may ibibigay ako sa iyo,stay put ka lang diyan " Sorry but I have to do this

Binuhusan ko lang naman siya ng malamig na tubig

" Ganti ko sa ginawa mo sa akin kahapon,Mr. Vice President " then I smile to him (but not in a sarcastic way). Iniwan ko siya doon na parang natulala sa ginawa ko.

This past few days,meron akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag but now that I found out what this kind of feeling,dapat pala hindi ko na lang nalaman because. . .

I really freaking hate this.

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon